Pagpuna sa mali ni PD30, pagsagip sa buhay ng mga nagkakamali

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 353 total views

Pagsagip sa buhay ng mga nagkakamali ang pagpuna ng Simbahang Katolika sa maling polisiya ng Pangulong Rodrigo Duterte lalo na sa kampanya laban sa bawal na gamot at hindi ang ibagsak ito.

Ito ang reaksyon ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. kaugnay na rin sa mga hindi magagandang pahayag ng Pangulo laban sa mga pumupuna sa kanyang ginagawa partikular na sa mga taong-Simbahan.

Ayon sa obispo, dapat iligtas ang mga nagkakamali mula sa kamatayang ipapataw sa kanila dahil ang lahat ay may karapatan magbago at mabuhay.

“Tungkol sa pagsasabi ng katotohanan at pagpuna ng mali, ito’y ginagawa natin hindi para sa ating sarili, ginagawa natin ‘to hindi para ibagsak ang presidente kundi para iligtas ang mga buhay ng mga tao na dapat nating sikapin na tulungan sa halip na patayin, ” pahayag ni Bishop Bacani sa panayam ng Radio Veritas.

Kaugnay nito, patuloy na umaasa si Bishop Bacani na sama-samang magsasalita ang mga taga Simbahan gaya ng mga obispo laban sa nagaganap na death under investigation upang maging malakas at makapangyarihan ang mga panawagan na ang lahat ng tao ito man ay makasalanan ay may karapatang magbago at mabuhay.

“Harinawa, ako ay umaasa naman na ang mga Obispo ay sama-samang magsasalita laban dito sa Extrajudicial Killing, may mga Obispo na nagsasalita na dyan, mabuting sama-sama na magsalita ang mga Obispo.”

Sa huling datos ng Philippine National Police, sa nakaraang 6 na buwan, nasa humigit kumulang 6,200 na ang kaso ng pagpatay may kinalaman sa kampanya ng pamahalaan laban sa bawal na gamot at halos 2,000 lamang dito ang may kinalaman sa lehitimong operasyon ng pulisya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 15,859 total views

 15,859 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 39,011 total views

 39,011 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 109,125 total views

 109,125 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 183,737 total views

 183,737 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 262,720 total views

 262,720 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 144,065 total views

 144,065 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 309,598 total views

 309,598 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top