VeritasPH

The Word, The Truth

Pagpunyagian ang kapayapaan at katarungan

SHARE THE TRUTH

 1,265 total views

Mga Kapanalig, nilagdaan na ni Pangulong Duterte noong nakaraang linggo ang Bangsamoro Organic Law o BOL. Sa halip na tawagin itong Bangsamoro Basic Law o BBL, ginawa itong Organic Law upang bigyang-diin ang pagiging alinsunod nito sa Saligang Batas, bilang tugon na rin sa mga nangangambang Unconstitutional ito. Para sa mga nagsusulong ng BBL, isang positibong hakbang ang BOL upang maituwid ang ilang dahilan sa likod ng deka-dekada nang Rebelyon sa ilang bahagi ng Mindanao.

Bahagi ang pagsasabatas sa BOL ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro o CAB, isang kasunduang nilagdaan noong 2014 sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front o MILF at ng pamahalaang Pilipinas. Kasama rin sa CAB ang iba pang mga kasunduan, katulad ng patungkol sa pagbabahagi ng yaman at kapangyarihan (o Wealth and power-sharing), sa pangangasiwa ng mga teritoryo, at sa paglalatag ng sistema upang maitatag ang pamahalaang Bangsamoro. Kuntento si MILF Vice Chairman Ghazali Jaafar sa mga isinagawang bicameral sessions ng Kongreso bago lagdaan ng pangulo ang BOL. Ayon sa kanya, naisama naman ang mga nais nilang probisyon sa bagong batas. Nagsasagawa na sila ng mga pampublikong konsultasyon upang ipaalam at ipaliwanag ang BOL sa mga kapatid nating Bangsamoro at sa mga katutubong naninirahan sa mga lugar na itinuturing na bahagi ng Bangsamoro. Mahalaga ang pagtanggap sa BOL ng mga kababayan natin roon dahil ang pagtataguyod ng kanilang kapakanan at pagsusulong ng kanilang kaunlaran ang pangunahing diwa ng nasabing batas.

Bagama’t malayo tayong mga nasa Metro Manila sa rehiyon ng Bangsamoro, mahalaga ang ating pakikiisa sa mga kababayan natin doon. Magsisimula ito sa pagkilala sa katotohanang sa napakahabang panahon ay naiwan sila ng kaunlarang natatamasa sa ibang rehiyon ng Bansa. Dapat din nating kilalanin ang katotohanang hindi natin makakamit ang kabutihan ng lahat o ang common good hangga’t may mga kababayan tayong namumuhay sa kahirapan, karahasan, at kawalang katarungan.

Dalawa sa mahahalagang prinsipyo ng mga panlipunang turo ng Simbahan—ang kapayapaan at katarungang panlipunan—ang maaari nating gamitin sa pagkilatis sa nilalaman ng BOL at sa pagpapatupad nito. Hindi mapaghihiwalay ang dalawang prinsipyong ito dahil ang kapayapaan ay bunga ng katarungan. Ayon pa kay Pope Paul VI, kung nais natin ng kapayapaan, pagpunyagian natin ang katarungan.

Ang katarungan ay ang pagkakaloob ng kung ano ang naayon sa Diyos at ating kapwa. Samakatuwid, ang pagsusulong ng tunay na katarungan sa Bangsamoro ay nangangahulugan ng pagkakaloob sa mga kapatid natin sa bahaging iyon ng Mindanao ng kanilang mga karapatan, ng pagtitiyak na hindi na muling mayuyurakan ang kanilang dignidad, at ng pagbibigay sa kanila ng kapangyarihang magpasya para sa kanilang sarili at nang naaayon sa kanilang mga paniniwala at kultura. Malaking tulong ang BOL upang maisakaptuparan ito, ngunit higit na mahalaga sa pagtugon sa tawag ng batas na ito ay ang tamang pagtingin sa mga Muslim at Lumad bilang kapwa nating nilikha ng Diyos.

Tandaan din nating walang hahawak ng armas at magpapalaganap ng karahasan kung katarungan ang umiiral sa ating lipunan. Sabi nga sa Gaudium et Spes, ang kapayapaan ay hindi lamang kawalan ng digmaan o kaguluhan. Hindi rin ito tungkol lamang sa pagpapanatili ng balanse ng kapangyarihan ng mga magkakatunggali. Ang kapayapaan ay gawain at mukha ng katarungan.

Mga Kapanalig, nawa’y tunay na kapayapaan at katarungan sa Bangsamoro ang hatid ng pagsasabatas ng BOL. Subaybayan natin kung paano ito ipatutupad ng ating pamahalaan. Tayo naman, sa ating munting paraan, ay maging bahagi sa pagtatanim ng punla ng kapayapaan sa ating kani-kaniyang pamayanan. Simulan natin ito sa pagturing sa ating kapwa—Muslim, Kristiyano, o Lumad—bilang kapantay natin sa dignidad at bilang kabahagi sa pagtatayo ng lipunang mapayapa at makatarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kalidad ng pagtuturo

 1,319 total views

 1,319 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 8,855 total views

 8,855 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 24,841 total views

 24,841 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 32,886 total views

 32,886 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 37,966 total views

 37,966 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 1,320 total views

 1,320 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 8,856 total views

 8,856 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 24,842 total views

 24,842 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 32,887 total views

 32,887 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 37,967 total views

 37,967 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 42,940 total views

 42,940 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,726 total views

 44,726 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,651 total views

 41,651 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,965 total views

 55,965 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,655 total views

 59,655 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,258 total views

 58,258 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,245 total views

 68,245 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,213 total views

 72,213 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 83,100 total views

 83,100 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,539 total views

 95,539 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top