Pagsama ng Korean language sa curriculum ng public schools, overkill

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 621 total reads

Hindi kumbinsido si Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani Jr. na dapat isama ang Korean language sa curriculum ng mga public high school sa Pilipinas.

Ayon kay Bishop Bacani, hindi pa panahon upang matutunan ng mga mag-aaral ang wika ng bansang Korea bagkus maraming bagay pa ang mas kailangang pagtuunan at bigyan ng kaukulang pansin.

“Palagay ko kung gagawing obligatory part ng curriculum [ang Korean subject] ay hindi naman sa lubusang masasayang pero may mas mabuting pag-uukulan ng panahon. Dapat maghanap sila ng mas priority matter. Parang medyo overkill yata iyon, not that important and urgent to Filipinos to learn the Korean language,” pahayag ni Bishop Bacani.

Kaugnay nito ay nanawagan ang Obispo sa mga paaralan sa buong bansa na mas tutukan ang pagpapaunlad ng asignaturang pang-relihiyon na nagtuturo sa kabataan ng tamang asal, pagpapahalaga sa kapwa at mas malalim na ugnayan sa Panginoon.

“Napakahalaga na ang mga tao ay mag-aral ng religion, mag-aral ng pagtuturo ng religion sa kanilang mga kapwa. Kaya iyan dapat ay pag-uukulan din ng pansin dahil tayo ay tinatawagang lahat na maghatid ng magandang balita. Kung mayroon tayong pagkakataon na maghatid ng magandang balita sa mas pormal na pagtuturo, samantalahin sana natin ‘yon,” apela pa ng Obispo.

Una nang nilagdaan ni Education Secretary Leonor Briones at Republic of Korea Ambassador to the Philippines Kim Jae Shin ang Memorandum of Agreement na nagdadagdag sa Korean subject bilang bahagi ng kurikulum ng sampung piling pampubkilong paaralan sa National Capital Region.

Magugunitang nakasaad sa 1987 Constitution na kasama ang relihiyon sa mga araling kailangang ituro sa mga estudyante ng elementarya at sekondarya sa bansa.

Patuloy namang ipinapaalala ni Pope Francis na naging guro ng teolohiya sa prestihiyosong Colegio del Salvador sa Argentina, na ang pag-ibig sa kapwa at pagsasabuhay ng tamang asal ay ang pinakamahalagang aral na dapat matutunan ng tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 457 total reads

 457 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 221,132 total reads

 221,132 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 255,805 total reads

 255,805 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 271,705 total reads

 271,705 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 308,165 total reads

 308,165 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 230,060 total reads

 230,060 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 365,945 total reads

 365,945 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top