1,516 total views
Isinusulong sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas na hihikayat sa mga kabataan na pagtuunan ng pansin ang industriya ng pagtatanim, at pangingisda.
Sinasaad din sa panukala ni Kabayan Partylist Ron Salo ang pag-aaral sa pamamahala at pangangalaga ng kagubatan, dagat at ekolohiya.
Ang House Bill 6769 o Agri-Scouting Act ay naglalayong bigyan ng kaalaman ang mga kabataan sa murang edad at matutunan ang kahalagahan ng agrikultura at pangingisda na makatulong sa adhikain ng pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain.
“It is our aspiration that the learning process would instill in their young minds a sense of wonder that leads to awareness and initiative and a desire to engage in agriculture, fisheries, forest, and marine conservation and management, and ecology. It is hoped that this will contribute to our collective aspiration of achieving food self-sufficiency,” ayon pa sa mambabatas.
Sakaling maisabatas, ang Department of Education ay inaatasan na ibilang ang agri-scouting bilang programa sa elementarya, at junior high school sa ilalim ng K-12 curriculum sa pampubliko at pribadong mga paaralan.
Naniniwala din ang mambabatas na ang Pilipinas bilang agriculturaal country ay may sapat na yamang kalikasan na kinakailangang linangin at maging produktibo.
Sa panig naman ng simbahan, hinikayat ng social arm ng Archdiocese of Manila ang mga kabataang scholar sa ilalim ng Youth Servant Leadership and Education Program (YSLEP) na kumuha ng kurso kaugnay sa agri-business.
Ayon sa Caritas Manila, ito ay upang magamit ang mga nakatiwangwang na lupa at gamiting mga taniman, gayundin ang pagkakaroon ng sariling negosyo sa halip na maging karaniwang kawani.
Naniniwala din ang social arm ng Archdiocese of Manila na ang hakbang ay makakatulong lalo na sa food suffiency ng bansa.
Ang Caritas YSLEP ay taunang may 5,000 college scholars kada taon na hindi lamang mga mag-aaral sa mula sa Metro Manila, kundi maging isa ba pang panig ng bansa.
Sa katunayan, may 1,500 mag-aaral sa kolehiyo ng Caritas Manila ang nakapagtapos ng kanilang pag-aaral.