Pagsisimula ng voter’s registration, suportado ng PPCRV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,763 total reads

Tiniyak ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) ang suporta para sa muling pagbubukas ng Commission on Election (COMELEC) ng voters registration sa susunod na linggo.

Tiniyak ni PPCRV National Coordinator Dr. Arwin Serrano sa COMELEC ang pakikiisa sa pagsusulong ng kampanya para sa voters registration na magsisimula sa ika-9 ng Disyembre, 2022 hanggang sa ika-31 ng Enero 2023.

“Ang PPCRV ay nakikiisa sa pagbubukas muli ng voters registration campaign natin na magsisimula na specifically starting on December 9, 2022 hanggang January 31, 2023.” Ang bahagi ng pahayag ni PPCRV National Coordinator Dr. Arwin Serrano sa Radio Veritas.

Pangungunahan din ng PPCRV ang pagpapalaganap ng impormasyon at pagkumbinsi sa mga hindi pa rehistradong botante na samantalahin ang voters registration ng COMELEC.

Pinuri rin ni Serrano ang iniyatibo ng COMELEC na higit na mahikayat ang mamamayan na magparehistro sa pamamagitan ng Registration Anywhere Project upang mapadali at mailapit ang proseso ng pagpaparehistro.

Sa pamamagitan ng Registration Anywhere Project ng COMELEC ay maaring magpatala ang mga hindi pa rehistradong botante sa limang NCR malls ng Robinsons maging araw ng Sabado at Linggo mula ika-10 ng Disyembre, 2022 hanggang ika-29 ng Enero, 2023 maliban na lamang sa mga araw na tatamaan ng December 24 at 25 gayundin ang December 31 to January 1.

Sa muling pagbubukas ng voters registration ay inaasahan ng COMELEC na aabot sa 5-milyon ang mga bagong botante na makapagpapatala.

Bagamat tutol ang iba’t ibang sektor ng lipunan maging ang Simbahan sa pangunguna ng Caritas Philippines sa muling pagsuspendi sa halalang pambarangay ay naniniwala naman ang Simbahan na mahalaga ang aktibong pakikisangkot ng bawat mamamayan sa kabuuang proseso ng halalan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 82,056 total reads

 82,056 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 113,785 total reads

 113,785 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 215,611 total reads

 215,611 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 256,171 total reads

 256,171 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 273,243 total reads

 273,243 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, Tatalima sa Batas

 54,873 total reads

 54,873 total reads Tiniyak ng Commission on Elections o COMELEC na ipatutupad nito ang Republic Act No. 12326 na nagtakda ng limang taong termino ng mga

Read More »
Scroll to Top