163 total views
Naniniwala ang isang obispo na hindi magandang pag-uugali ng mga kandidato ang pagbabatuhan ng bawat kahinaan at kabulukan ng kapwa para sa sariling kapakanan.
Ayon kay Caloocan Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez, pagpapakita ito ng kawalang-halaga ng common good sa halip ay ang sariling ambisyon ng mga kandidato .
Pahayag ng Obispo sa halip na programa ang ilahad ay paninira sa bawat kalaban sa pulitika na mahalagang bigyang pansin at isaalang-alang ng mga botante sa ika 9 ng Mayo.
“Yan ang isang malungkot na bagay na hanggang sa ngayon ‘yung ating citizenry at lalung lalo na itong naghahangad na ma elect ay kulang na kulang talaga sa pagkilala sa common good at ito ang lumalabas sa kanilang mga debates. Sa mga voters, isaalang-alang nila, recognized itong mga attitude, ‘yung behavior na ito ng mga candidates para sa kanilang pagpili kung sino ang dapat ihalal,” pahayag ni Bishop Iniguez sa Radio Veritas.
Sa May 9,2016, ihahalal ng sambayanang Filipino ang ika- 16 na presidente ng Pilipinas mula noong 1935 kung saan noong 2010 ay nakuha ni President Benigno Aquino III ang kabuang 42.08-porsiyento ng mga boto.