Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtaguyod ng Katotohanan, mensahe ng Pentecost

SHARE THE TRUTH

 349 total views

May 29, 2020, 3:02PM

Pinaalalahanan ni Ozamiz Archbishop Martin Jumoad ang mananampalataya na ang Dakilang Kapistahan ng Pentekostes ay isang paanyaya sa bawat isa na itaguyod ang katotohanan tulad ng ginagawa ng simbahang katolika.

Sa panayam ng Radio Veritas, binigyang diin ng arsobispo na dahil sa paninindigan sa katotohan ay madalas tinutuligsa ang simbahan.

Sinabi ng Archbishop Jumoad na ang pagdiriwang ay paanyaya sa lahat na mahalagang manindigan sa katotohanan at ibahagi ito sa lipunan sapagkat ito ang kaloob ng Panginoon sa lahat nang puspusin ang bawat isa ng Espiritu Santo.

“The Pentecost Sunday is the feast of the outpouring of the Holy Spirit; the faithful are gifted with the spirit of truth and so we are being reminded that we have always to stand for truth and to tell the truth and this is the guidance of the Holy Spirit,” pahayag ni Archbishop Jumoad sa Radio Veritas.

Iginiit ni Archbishop Jumoad na dapat patuloy na ipalaganap ng mananampalataya ang katotohanang dala ni Kristo nang ito ay muling nabuhay at umakyat sa langit; ang kaligtasang dulot nang mapagtagumpayan ang kadiliman ng kasalanan at kasamaan ng sanlibutan.

Ipinaalala ng arsobispo na mahalagang kilalanin ang Espiritu Santo na nagpapalakas sa tao upang ihayag ang katotohanan sa sanlibutan.

“Oftentimes the church is being castigated beacuse of telling the truth; the feast of Pentecost reminds all of us the coming down of the holy spirit in order to strengthen us,” giit ni Archbishop Jumoad.

Biyaya rin na maituturing na kasabay ng pagdiriwang ng Pentekostes ang unti-unting pagbubukas ng mga simbahan makaraan ang halos tatlong buwan na pagsasara bunsod ng pagpairal ng enhanced community quarantine sa iba’t ibang bahagi ng bansa dulot ng pandemic corona virus.

Sa Ozamiz, muli nang binuksan ang mga simbahan sa publiko ngunit inihayag ni Archbishop Jumoad kakaunti pa lamang ang mga dumadalo sa misa marahil dala ng pangamba na mahawaan ng virus lalo’t wala pang nadiskubreng bakuna para dito.

Subalit paliwanag ng arsobispo dapat maging matatag ang mananampalataya at iwasan ang pangamba sapagkat pinalalakas ang bawat isa ng Espiritu Santo na kaloob ng Panginoon.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 72,574 total views

 72,574 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 80,349 total views

 80,349 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 88,529 total views

 88,529 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 104,127 total views

 104,127 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 108,070 total views

 108,070 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top