Desisyon ng IATF sa apela ng simbahan sa bilang ng mga dadalo sa misa, hinihintay pa ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 789 total reads

May 29, 2020-2:31pm

Inaantabayanan pa rin ng pamunuan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang magiging desisyon ng Inter-Agency Task Force sa paglilinaw na hiling ng simbahan kaugnay sa religious activities.

Ito ay kaugnay na rin sa panuntunan ng IATF na pinapayagan lamang ang limang katao sa dumalo sa misa sa ilalim ng Modified Enhance Community Quarantine (MECQ) at 10-katao sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ).

Ayon kay Novaliches Bishop Roberto Gaa, inatasan ni Davao Archbishop Romulo Valles si Pasig Bishop Mylo Hubert Vergara bilang kinatawan ng simbahan sa pulong kasama ang IATF.

“Dahil siya ay nasa Davao (Archbishop Valles), inatasan nya si Bishop Mylo na makilahok sa meeting ng IATF para mai-present ano yung mga concerns. Tapos tingnan natin, aralin natin,” ayon kay Bishop Gaa sa programang Pastoral Visit on-the-air sa Radio Veritas.

Sa Lunes, unang araw ng Hunyo-ipapatupad ang transition ng Metro Manila mula sa MECQ, patungong GCQ.

Una na ring nadismaya si Manila Administrator Bishop Broderick sa lumabas na panuntunan na 5 hanggang sa 10-katao lamang ang maaring makapasok sa mga parokya sa mga lugar na umiiral ang MECQ at GCQ o mas maluwag na panuntunan ng community quarantine.

Palinawag ng Obispo, ito ay hindi ‘practical’ lalu na sa malalaking simbahan.

“Siguro, instead na magbigay ng fixed na number, magandang magbigay ng density. Parang ilan per square meter?,” dagdag pa ni Bishop Gaa bilang pagsang-ayon.

Una na ring naglabas ng health protocol ang CBCP para sa mga mananampalataya kaugnay sa pagsisimula ng misa sa mga parokya.

Inamin naman ni Bishop Gaa na hindi kasama sa panuntunan na naihanda ng simbahan ang usapin kaugnay sa contact tracing na malaki ang maitutulong para sa pagtukoy sa mga posibleng mahawa ng sakit.

Una na ring inihayag ng IATF na pinag-aaralan ang mga naging suhestyon ng simbahan bagama’t hindi pa inaasahang mailalabas ang desisyon sa pagsisimula ng mas maluwag na panuntunan sa Lunes.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 1,200 total reads

 1,200 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 6,234 total reads

 6,234 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 44,149 total reads

 44,149 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 270,420 total reads

 270,420 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 163,886 total reads

 163,886 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 257,602 total reads

 257,602 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 1,201 total reads

 1,201 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top