CSMP, mahalagang maunawaan ng mga nagsusulong ng Year of Ecumenism and Dialogue

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 666 total views

May 29, 2020, 12:30PM

Mahalagang magkaroon ng malalim na pag-unawa sa mga pangunahing pundasyon ng pananampalatayang Katoliko bago makipagdayalogo at isulong ang ekumenismo.

Ito ang bahagi ng pagninilay ni Diocese of Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo kaugnay sa patuloy na paggunita sa tema ng paghahanda para sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas na Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous People.

Ipinaliwanag ng Obispo na mahalaga sa pagsusulong ng ekumenismo at dayalogo sa pagitan ng mga relihiyon ay mayroong malinaw na pag-unawa ang mga nagsusulong nito sa pananampalatayang Katoliko sapagkat maaring magdulot ito ng hindi pagkakaunawaan at higit pang pagkakabuklod-buklod.

“It is very important that when we enter in to dialogue or strive for Ecumenism or Christian unity we should know our basic belief in the Catholic Church kasi kapag hindi natin alam baka magiging source pa yun ng division among us…” pagninilay ni Bishop Bagaforo sa kanyang misa sa Poor Clare Monastery.

Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo na siya ring chairman ng CBCP NASSA / CARITAS Philippines na may apat na haligi ang pananampalatayang Katoliko na dapat na lubos na maunawaan ng bawat isa ang C, S, M, P na nangangahulugan ng Creed, Sacraments, Morality at Prayer.

Inihayag ng Obispo na nasasaad sa Creed o Kredo na buod ng saligang katotohanan ng pananampalatayang Katoliko na nahahati sa 12-artikulo na naaayon sa bilang ng 12 mga apostol na nagpapahayag na ang Panginoon ang siyang may tagapaglikha ng langit at lupa at tagapagligtas ng sanlibutan.

Ikalawa ang paniniwala sa 7 mga sakramento na daluyan ng biyaya ng Panginoon; ikatlo ang pamumuhay ng naayon sa moralidad na nasasaad sa 10-utos ng Diyos at ang huli ay ang Pananalangin na pagkakaroon ng personal na relasyon sa pagitan ng Panginoon.

“There are four pillars of our Catholic belief, very easy to memorize its C-S-M-P yun ang four pillars of our of our Catholic faith yun ang ating pinanghahawakan at yun ang tinatawag nating core belief ng ating pananampalataya C-S-M-P, Creed – Sacraments – Morality – Prayer…” Pagbabahagi ni Bishop Bagaforo.

Samantala, ibinahagi rin ng Obispo na ang tema ng paghahanda ngayong taon para sa ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas na Year of Ecumenism, Inter-religious Dialogue and Indigenous People ay hango rin sa 2nd Vatican Council na nagsusulong sa ekumenismo at pakikipagkaisa sa pagitan ng mga relihiyon na matagal ng hinahangad ng Simbahang Katolika.

“With the coming of the Vatican II Council this desire for Christian unity was again given more emphasis with the focus of the declaration on the importance of Ecumenism, tayo dito sa Pilipinas ngayong taon year 2020 in line with our celebration of the 500 Years of Christianity for our 9 year preparation we are now on our last year of preparation before the final one which will be next year our theme of our liturgical celebration is focus on that on Ecumenism our efforts on Inter-religious Dialogue and Ecumenism there is always that desire for unity…”pahayag ng Obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 161,404 total views

 161,404 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 191,627 total views

 191,627 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 218,273 total views

 218,273 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 313,246 total views

 313,246 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 323,799 total views

 323,799 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top