Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Gift of Episcopacy kay bishop-elect Cuevas, biyayang kaloob ng Panginoon

SHARE THE TRUTH

 325 total views

May 29, 2020, 12:25AM

Binigyang diin ng bagong talagang katuwang na Obispo ng Arkidiyosesis ng Zamboanga na ang kanyang pagkahirang ay biyayang kaloob ng Panginoon.

Ayon kay Bishop – elect Fr. Moises Cuevas, buong puso nitong tinatanggap ang panibagong misyon sa simbahang katolika na mangangalaga sa kawan ng Diyos.

“My heart is filled with deep gratitude for this gift of episcopacy. Certainly it’s not about me, it’s about God. This gift is a celebration of God’s greatness and goodness and using the words of the Blessed Mother in the Magnificat: “My soul proclaims the greatness of the Lord. My spirit rejoices in God my savior,” pahayag ni Bishop-elect Cuevas sa Radio Veritas.

Aniya, bagamat hindi ito karapat-dapat sa biyayang handog, labis ang pasasalamat ni Bishop-elect Cuevas sa Panginoon sapagkat siya ay pinili na maging kabilang sa mga pastol ng Kanyang kawan.

Dahil dito buong kababaang loob itong tatanggapin nang may pagtitiwala sa Diyos na gagabay sa paninilbihan sa arkidiyosesis.

“I can only respond to receive it with humble trust in Jesus knowing that everything in life is a gift from God,” dagdag pa ni Bishop-elect Cuevas.

Nakatakda ang episcopal ordination ni Bishop – elect Cuevas sa ika – 24 ng Agosto ganap na alas 9 ng umaga sa Metropolitan Cathedral of the Immaculate Conception sa Zamboanga City.

Magiging Principal consecrator si Zamboanga Archbishop Romulo dela Cruz habang co-consecrator naman sina Ozamis Archbishop Martin Jumoad at Ipil Bishop Julius Tonel.

Dalangin ng obispo na nawa’y manumbalik na sa normal ang sitwasyon ng bansa at mapahintulutan na ang pagdiriwang ng Banal na Misa upang makadalo ang mananampalataya ng Zamboanga sa kanyang ordinasyon.

Tiniyak din nito sa publiko na gagampanan ang kanyang tungkulin bilang pasasalamat sa Diyos sa kaloob na bokasyon at pagmimisyon.

“So I will exercise this episcopal ministry to praise and thank God all my life,” dagdag ng obispo.

Matatandaang ika – 19 ng Marso nang hirangin ng Kanyang Kabanalan Francisco si Bishop-elect Cuevas bilang katuwang na obispo ng arkidiyosesis na may higit sa kalahating milyong Katoliko.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 5,035 total views

 5,035 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 21,622 total views

 21,622 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 22,991 total views

 22,991 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 30,665 total views

 30,665 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,169 total views

 36,169 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top