Checkpoint modification, iiral sa GCQ areas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 564 total views

May 28, 2020-2:23pm

Asahan na ang mas maraming sasakyan at mga mangggagawa sa mga police checkpoints sa oras na ipatupad ang General Community Quarantine sa unang araw ng hunyo base sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Ito ang inihayag ni Police Liutenant General Guillermo Eleazar- deputy chief for operations ng Philippine National Police at head ng Special Joint Task Force Covid-19 Shield sa panayam ng Radyo Veritas.

“So ang kaibahan lang nito kagaya ng ginagawa natin ngayon hindi na po tayo ngayong pedeng strict implementation of the checkpoint. Magkakaroon na tayo ng modification in such away na random na ang pagtse-check natin,” ayon kay Eleazar.

Sinabi naman ni Eleazar na isasagawa ang random checkpoints nang sa gayun ay hindi maipon o makalikha ng matinding pagsisikip sa mga lansangan.

“Sinasabayan din po yan ng mga spot or mobile checkpoint natin na pinangungunahan naman ng Highway Patrol Group para ma-check natin itong mga sasakyan kung sila ay may mga sakay unauthorized,” ayon pa kay Eleazar.

Nilinaw din ng opisyal na ang panuntunang inilabas ng IATF ang patuloy na susundin ng pulisya at hindi pa dito kabilang ang pagpapahintulot sa pagkakaroon ng angkas sa mga motosiklo at ang usapin ng spiritual gatherings.

Ayon pa kay Eleazar ang mga panukalang ito ay nakatakda pang pag-usapan ng IATF kaugnay sa mga posibleng pagbabago lalu’t malaking bahagi na ng bansa ang nasa mas mababa ng antas ng community quarantine.

“Sila po ang nag-aaral nyan base na rin sa mga advice or recommendation ng mga eksperto. Pinag-uusapan naman po nila ‘yan meron pong pro’s and cons pero at the end of the day kung ano pong kanilang rekomendasyon na aaprubahan ng ating Pangulo yan ang ipatutupad ng Joint Task Force Covid,” dagdag pa ng opisyal.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 43,678 total views

 43,678 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 39,547 total views

 39,547 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 75,749 total views

 75,749 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 84,543 total views

 84,543 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 110,144 total views

 110,144 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top