Kinilala ng Akbayan Partylist at Atin Ito Movement ang pagkakatalaga kay Commodore Jay Tarriela bilang Rear Admiral ng Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon sa Atin Ito Co-Convenor Rafaela David, tagumpay na maituturing ang pagkakatalaga sa opisyal upang higit na mapalakas ang paninindigan para sa West Philippines Sea na patuloy na inaangkin ng China.
“Isa itong malaking tagumpay para sa lahat ng naninindigan para sa West Philippine Sea, at isang malaking sampal sa mukha ng Tsina, sa kanilang embassy dito at sa mga kakamping Tsinador na walang ginawa kundi atakehin at bastusin ang mga Pilipinong lumalaban para sa ating soberanya at integridad,” ayon sa mensahe ni David na pinadala sa Radyo Veritas.
Sa mensahe ay nagpapasalamat at higit na kinikilala ng grupo ang pagsusulong ni Tarriela ng katotohanan hinggil sa Teritoryo upang malabanan ang mga fake news na pinapakalat ng China.
Gayundin ang pagpapaala sa publiko hinggil sa mga batas at polisiyang dapat sundin dahil tunay na bahagi ng Pilipinas ang West Philippine Sea.
“When confronted by public attacks from the Embassy of the People’s Republic of China in the Philippines, he did not retreat— asserting our rights under international law and standing firmly by his duty to inform. Tarriela shows us what patriotism should look like: by refusing to back down from his responsibility to inform the public about China’s actions despite harassment from the Chinese Embassy. It is in those moments that courage is required,” bahagi pa ng mensahe ni David.
Una ng nakiisa ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa West Philippine Sea higit na ngayong nagpapatuloy ang pang-aangkin at pananatili ng mga Chinese Ships sa Teritoryong tunay na pagmamay-ari ng Pilipinas.






