Disarmament at kapayapaan, prayer intention ni Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 136 total views

Inilaan ng Kanyang Kabanalan Pope Leo XIV ang kanyang prayer intention ngayong buwan ng Marso para sa pagsusulong ng disarmament at kapayapaan sa gitna ng patuloy na sigalot at karahasan sa iba’t ibang panig ng mundo.

Partikular na nanawagan ang Santo Papa sa mga bansa at mga pinuno ng pamahalaan na tahakin ang landas ng dayalogo at diplomasya sa halip na dahas at pagpapalakas ng sandata.

Sa gitna ng pangamba at kawalan ng katiyakan, muling ipinapaalala ni Pope Leo XIV na ang pag-asa ay nananatili sa sama-samang pagkilos para sa kapayapaan na nakaugat hindi sa pananakot, kundi sa pagkilala sa iisang sangkatauhan.

“Let us pray that nations move toward effective disarmament, particularly nuclear disarmament, and that world leaders choose the path of dialogue and diplomacy instead of violence.” Panalangin ng Santo Papa para sa buwan ng Marso.

Napapanahon din ang inilaang prayer intention ni Pope Leo XIV ngayong buwan lalo na sa usapin ng nuclear disarmament sa panahon ng umiigting na tensyon sa pagitan ng Israel at Palestine, at sa iba pang bahagi ng rehiyon sa Gitnang Silangan na apektado ng alitan.

Paliwanag ng Santo Papa, ang tunay na seguridad ng mundo ay hindi nakasalalay sa lakas ng armas kundi sa pagkakaroon ng tiwala, paggalang sa dignidad ng bawat tao, at tapat na pakikipag-usap upang maresolba ang mga hindi pagkakaunawaan ng mga bansa.

Bahagi rin ng panawagan ni Pope Leo XIV ang paninindigan ng bawat mananampalataya na maging instrumento ng kapayapaan sa kani-kanilang komunidad, lalo na sa panahong marami ang nababalot ng takot at kawalan ng katiyakan dulot ng digmaan at banta ng mas malawak na kaguluhan.

Una nang binigyang-diin ng Santo Papa na ang kapayapaan ay bunga ng makatarungan at responsableng pagpapasya, at ang mundo ay higit na nangangailangan ng mga pinunong may lakas ng loob na unahin ang buhay at kinabukasan ng sangkatauhan kaysa sa interes ng karahasan at kapangyarihan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sa loob ng 24 oras

 14,902 total views

 14,902 total views Mga Kapanalig, ano ang pwedeng mangyari sa loob ng 24 oras?  Kung paniniwalaan ang sinabi ng nagpakilalang bagman ni Vice President Sara Duterte,

Read More »

PRIEST’S IN CRISIS

 32,702 total views

 32,702 total views Mental health distress, ito ay nakakaalarma Kapanalig., hindi lang ito nararanasan ng mga kabataan, nararanasan natin ito mga Pilipino. Sa kasalukuyan, tumataas ang

Read More »

The Pattern We Keep Missing

 32,702 total views

 32,702 total views Sa tuwing may kontrobersiya… may nabunyag na pagkakamali… mayroong hinaharap na krisis ang bansa, naging masigasig.., naging maalab tayo sa paghahanap ng accountability.

Read More »

International Wellness Day

 146,048 total views

 146,048 total views Mga Kapanalig, ngayong araw ay International Wellness Day. Sa dami ng krisis natin ngayon, kumusta na kaya tayo? Noong Marso, idineklara ng United

Read More »

Labanan ang climate disinformation

 167,378 total views

 167,378 total views Mga Kapanalig, patuloy ang pagkalat ng fake news!  Ayon sa report ng Asia Center, isang research institute na nagsusulong ng mga karapatang pantao,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mananampalataya, inaanyayahan sa PCNE 2026

 12,458 total views

 12,458 total views Inaanyayahan ng Philippine Conference on New Evangelization (PCNE) ang bawat mananampalataya sa nakatakdang PCNE 2026 sa darating na Hulyo. Nakatuon ang PCNE 2026

Read More »
Scroll to Top