Pagtigil ng digmaan sa Middle East, panawagan ni Pope Leo IV Nanawagan si Pope Leo XIV

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 550 total reads

Sa kanyang mensahe matapos ang Angelus sa Vatican binigyang-diin ng Santo Papa na hindi sandata ang solusyon sa krisis at anumang hindi pagkakasundo.

“Stability and peace are not achieved through mutual threats, nor through the use of weapons, which sow destruction, suffering, and death, but only through reasonable, sincere, and responsible dialogue,” ayon kay Pope Leo XIV.

Ipinahayag din ng punong pastol ng Simbahang Katolika ang matinding pag-aalala sa maaaring maging malawakang trahedya kung magpapatuloy ang tensyon.

“I make a heartfelt appeal to all the parties involved to assume the moral responsibility of halting the spiral of violence before it becomes an unbridgeable chasm,” giit ng Santo Papa.

Hinimok ng santo papa ang pagbabalik sa tunay na diwa ng diplomasya at pagsusulong ng kapakanan ng mamamayan na naghahangad ng makatarungan at mapayapang pamumuhay.

“May diplomacy regain its proper role, and may the well-being of peoples, who yearn for peaceful existence founded on justice, be upheld,” dagdag pa ng pastol.

Binigyang-diin din ni Pope Leo XIV na ang kapayapaan ay hindi lamang bunga ng kasunduang pampulitika kundi isang biyayang mula sa Diyos.
“Only peace, a gift of God, can heal the wounds between peoples… I urgently appeal for a return to dialogue,” pahayag ng Santo Papa.
Bukod sa Gitnang Silangan, umapela rin ang pastol ng agarang pagbabalik sa dayalogo kaugnay ng mga sagupaan sa pagitan ng Pakistan at Afghanistan.

Sa pagninilay naman sa Mabuting Balita hinggil sa Pagbabagong-anyo ng Panginoon, ipinaliwanag ng Santo Papa na ang kaluwalhatian ni Kristo ay liwanag sa gitna ng pagdurusa ng sangkatauhan.
“While evil reduces our flesh to a commodity or an anonymous mass, this same flesh shines with the glory of God,” ayon sa santo papa na tumutukoy sa dignidad ng bawat tao sa kabila ng karahasan at kahirapan.

Ayon pa kay Pope Leo XIV, ang Pagbabagong-anyo ay paunang sulyap sa liwanag ng Pasko ng Pagkabuhay na hatid ang pag-asa sa gitna ng dilim, kamatayan at pagdurusa.
Hiniling din ng Santo Papa ang panalangin para sa mga biktima ng pagbaha sa estado ng Minas Gerais sa Brazil, gayundin sa lahat ng apektado ng iba’t ibang sakuna at sigalot sa mundo.
Hinimok ni Pope Leo ang mga mananampalataya na ipagpatuloy ang pananalangin para sa kapayapaan at hayaang manaig ang biyaya ng Diyos sa gitna ng mga hamon ng kasalukuyang panahon.

Child protections, ipapatupad ng CEAP

 11,338 total reads

 11,338 total reads Naninindigan ang Catholic Education Association of the Philippines sa kahalagahan na ipatupad ng Catholic education sector ang child protections. Ikinababahala ng CEAP ang

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 194,455 total reads

 194,455 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 226,187 total reads

 226,187 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 328,010 total reads

 328,010 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 368,567 total reads

 368,567 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 381,266 total reads

 381,266 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top