Pagtataguyod sa Karapatan at Kakayahan ng mga PWDs

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 102,418 total reads

Kapanalig, sa ating journey o lakbayin tungo sa makatarungang lipunan, mahalaga na magawa nating tunay na inklusibo ang ating bayan. Mahirap gawin ito, lalo na pagdating sa mga persons with disabilities o PWDs. Isang tingin pa lamang sa ating mga lansangan, kita na natin na marami sa ating mga PWDs ay hindi kampante at ligtas na makakagamit nito.

Kung nais nating maging tunay na makatarungan ang ating bayan, dapat nating gawing mas bukas at mas magaan ang partipasyon ng lahat sa lipunan, anumang edad o anumang kapasidad. Lahat tayo ay may dignidad. Sabi nga sa Pacem in Terris, any human society, if it is to be well-ordered and productive, must lay down as a foundation this principle, namely, that every human being is a person with dignity. Ang PWDs, kapanalig, ay isa sa mga sektor na dapat nating bigyan ng pantay na oportunidad para makalahok sa ating lipunan. Kailangan nating palakasin ang kanilang kapasidad pati ang mga imprastraktura ng bayan. Sa ganitong paraan, ating kinikilala ang kanilang dignidad.

Ang unang hakbang sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga PWDs ay ang pagbibigay sa kanila ng pantay-pantay na oportunidad sa edukasyon. Sa pamamagitan ng mga integrasyon at espesyal na edukasyon, mas napapalapit natin ang pagkakaroon ng kakayahan ng bawat isa na makilahok sa lipunan. Ang mga hakbang na ito ay hindi lamang nagbibigay ng kaalaman, kundi nagpapahayag din ng respeto sa kanilang dignidad at kakayahan.

Bukod dito, ang pagpapalawak ng access sa trabaho para sa mga PWDs ay mahalaga din. Dapat ay mabigyan sila ng pagkakataong magkaroon ng trabaho na naaayon sa kanilang kakayahan at interes. Ang mga negosyo at korporasyon ay maaaring magkaroon ng quota o programa na nagbibigay pribilehiyo sa pagtatrabaho ng mga PWDs, at nagpapalabas din ng kanilang mga natatanging talento.

Ang pag-access sa mga pampublikong pasilidad at transportasyon ay isa ring aspeto ng empowerment ng PWDs. Dapat ay maging mas maayos at makakayanan ang mga pampublikong lugar para sa kanila. Ang paglalagay ng rampa, elevators, at iba pang pasilidad na angkop sa kanilang mga pangangailangan ay malaking tulong sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay.

Maliban dito, mahalaga rin ang pagbibigay ng tamang serbisyong pangkalusugan sa mga PWDs. Dapat ang mga staff o personnel ng mga ospital at health centers ay may kaalaman at sensitibo sa pangangailangan ng mga PWDs. Gayundin, ang pagbibigay ng kaukulang suporta sa kanilang kalusugan at rehabilitasyon ay nagpapakita ng pag-aalaga at pagrespeto sa kanilang dignidad.

Ang tagumpay at ambisyon ng PWDs ay bahagi ng pag-usbong ng ating bayan. Sa paglago ng kamalayan at pagbibigay halaga sa kanilang mga kakayahan, nagiging mas malakas at makabuluhan ang boses ng mga PWDs sa lipunan, napapa-ibayo rin ang kanilang kapasidad, at nagbubukas pa ng mas maraming pintuan ng oportunidad para sa kanilang pag-unlad.

Sumainyo ang Katotohanan.

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 34,573 total reads

 34,573 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 185,631 total reads

 185,631 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 220,305 total reads

 220,305 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 236,205 total reads

 236,205 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 272,691 total reads

 272,691 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 280,116 total reads

 280,116 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kahirapan sa bansa

 185,632 total reads

 185,632 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 220,306 total reads

 220,306 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 236,206 total reads

 236,206 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 272,692 total reads

 272,692 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »
Scroll to Top