10,615 total views
Naniniwala si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na ang pagpapaliban o pag-antala sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte ay maituturing na kasalanan dahil sa pagsasantabi sa katotohanan.
Ayon sa Arsobispo na dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), maituturing na kasalanan ang pagtatakip sa katotohanan dahil karapatan ng sambayanan na malaman ang katotohanan lalo na sa pondo ng bayan na dapat ay para sa mga programa at serbisyo publiko.
Paliwanag ni Archbishop Villegas, ang pagtatakip sa katotohanan ay isa ring uri ng pagnanakaw dahil sa pagtatago ng katotohanan mula sa publiko.
“To delay the trial or even to abort it is to suppress the TRUTH. It is a sin. The opponent, the devil, is rightly called Prince of Lies. It is a sin to suppress or conceal the truth. The nation has a right to the truth that can only be established by law and evidence. To deprive the people of the full truth is a form of robbery. It is keeping something not yours. It is a sin.” Bahagi ng pahayag ni Archbishop Villegas.
Giit ng Arsobispo, hindi katanggap-tanggap ang pagtatago ng katotohanan para sa pansariling kapakanan lalo na kung taliwas ito sa tungkuling kanilang sinumpaan na kaakibat ng kanilang posisyon at katungkulan sa pamahalaan.
“When motivated by selfish ambition and the prioritization of personal desires, gratification and comfort, the delay of the process of pursuing the TRUTH is a sin. It smacks of negligence and laziness. Not to pursue the truth when you have the capacity to know it FORTHWITH is a grave sin of omission. It is morally unacceptable.” Dagdag pa ni Archbishop Villegas.
Pagbabahagi ni Archbishop Villegas, bahagi ng tungkulin at mandato ng mga Senador ang pagsusulong ng Pambansang Konstitusyon na nagsisilbing sandigan ng demokrasya ng bansa.
Ayon sa Arsobispo ang pagtanggi sa pagbibigay ng karatungang panlipunan sa pamamagitan ng pagsasakatuparang ng impeachment trial kaugnay sa mga alegasyon ng katiwalian ng pangalawang pangulo ng bansa ay isang pagtataksil lalo na sa mga mamamayang umaasa ng maayos at matapat na paglilingkod mula sa mga opisyal ng bayan na inihalal upang pamunuan ng pamahalaan.
Matatandaang ika-5 ng Pebrero, 2025 ng inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreaso ang impeachment laban kay Duterte na pinaboran ng 215 mambabatas habang patuloy pa ring inaantabayan ang pormal na pagbubukas ng Senado bilang impeachment court.