Pagtugon sa mental health crisis ng Marawi bakwits, malaking hamon sa Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 719 total reads

Itinuturing na isa sa malaking pag-subok ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Healthcare ang pagtugon sa mental health crisis ng mga naapektuhan ng digmaan sa Marawi City.

Ayon kay Fr. Dan Cancino – Executive Secretary ng komisyon, isa sa pinakamalaking hadlang sa kanilang psycho-social intervention ang lengguwahe at kultura ng mga Maranao.

Dahil dito, tinuturuan pa rin ng CBCP-ECHC ang iba pang volunteers at mga katulong nitong grupo upang maging sensitibo sa kultura ng mga apektadong indibidwal.

“Maliit lang yung nagagawa ng komisyon on mental health through our partners doon sa mga healthcare commissions, nearby dioceses, kaya ang ginagawa natin ngayon ay kina-capacitate muna natin yung mga posibleng mga partners na maging sensitibo din duon sa kultura ng ating mga kapatid na nadisplace dahil sa marawi conflict,” pahayag ni Fr. Cancino sa Radyo Veritas.

Aminado ang pari na bagamat nakapagbigay na ng mga paunang therapy sessions ang Simbahan at ang mga katuwang nitong grupo, ay malalim pa rin ang kinakailangang tugunan sa pangangailangan ng kalusugang pang-kaisipan ng mga Maranao.

“Ito yung napakalaking gap sa National Health program dahil isang challenge ay lengguwahe at kultura, mahirap kasing magbigay ng mental health assistance kung iba yung gamit na lengguwahe ng ating mga kapatid na Maranao,” dagdag pa ng pari.

Batay sa datos ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) sa Marawi noong ika-1 ng Agosto, umaabot sa 30,732 ang mga evacuees na kinakitaan ng mental disorder.

Mula sa naturang bilang 6,455 ang naitala sa level 2 na nangangailangan ng psycho social debriefing, 24, 199 ang nasa level 3 na nangangailangan ng one-on-one treatment, habang 78 naman ang umakyat na sa level 4 na nangangailangan ng masusing gamutan sa isang maayos na pasilidad.

Una nang inihayag sa panlipunang katuruan ng simbahan na walang sinuman ang nagwawagi sa digmaan dahil, nag-iiwan lamang ito ng labis na pangamba at kapighatian sa puso ng bawat biktima.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 2,491 total reads

 2,491 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 42,081 total reads

 42,081 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 77,648 total reads

 77,648 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 303,918 total reads

 303,918 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 197,233 total reads

 197,233 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BAKIT LALAYO PA?

 35,265 total reads

 35,265 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 28,158 total reads

 28,158 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top