Hinimok ni San Fernando, Pampanga Archbishop Florentino Lavarias ang mga deboto si St. Padre Pio na ipinalangin hindi lamang kalakasan at kaginhawahan sa buhay kundi pagtuklas sa misyon ng ating buhay sa pamamalagi sa mundo.
“But if you do not know why are you here? What is your mission in this world? Then you have no direction. You cannot find life. You cannot find the meaning of life,” ayon kay Archbishop Lavarias.
Ito ang hamon ni Archbishop Lavarias sa libo-libong katao na nagbibigay parangal kay Santo Padre Pio sa kauna-unahang pagbisita ng kaniyang ‘incorrupt heart relic’ sa Pilipinas.
“Alam natin na ang lakas ng katawan ay mahalaga. Yung kasaganaan sa buhay okay din yan. Pero meron pang mas mahalaga diyan. Merong pang mas mahalaga sa kayamanan, mas mahalaga sa possessions. Mind you, possessions hindi lamang po pera ito, possessions even bodies even our looks. So there is much more important than this,” ayon kay Archbishop Lavarias.
Sa kaniyang Homiliya, sinabi ng Arsobispo na ang paghahanap ng kabuluhan sa buhay ay higit na mahalagang dahilan na dapat tuklasin ng bawat isa upang magkaroon ng katuturan ang buhay ng bawat isa na siyang natagpuan ni Saint Padre Pio at ni St. John Paul II na ipinagdiriwang din ang kaniyang kapistahan ngayong araw (Oct.22).
“Beware! Mag-ingat kayo sa kasakiman dahil ang buhay ay hindi lang about possessions… life consist in what matters to God,” bahagi ng Homiliya ng Arsobispo.
Dagdag pa ni Archbishop Lavarias; “Kung nandito tayo, may hinihingi ang ating isip. May hinihingi at hinahanap ang ating puso maganda siguro ang hanapin natin ay yung natagpuan nina Padre Pio at St. John Paul II at ano yun? Ang natagpuan nila ay yung reason bakit sila nilikha ng Diyos. ‘Yung reason why they exist in this world.”
Ang ‘Incorrupt Heart Relic’ ni Padre Pio ay mananatili sa pambansa nitong dambana hanggang sa ika-26 ng Oktubre.
Ang mga relic o relikya ay bahagi ng katawan at mga bagay na iniuugnay sa isang taong banal na pinangangalagaan ng simbahan sa paniniwalang dinadaluyan ito ng grasya ng Diyos sa mga taimtim na nananalangin at nagpupuri sa kanila.
Ang mga relikya ding ito ay nagpapatunay sa mga banal na namuhay at sumunod sa katuruan ng Panginoon.






