Obispo, hinimok ang pamahalaan na masusing pag-aralan ang TRAIN law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 503 total reads

Hinimok ng opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines ang Pamahalaan na masusing pag-aralan ang epekto sa mamamayan ng ipinatupad na reporma ng pagbubuwis.

Ayon kay Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo, Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity, dapat suriin ng Pamahalaan ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion (TRAIN) Law 1 kung ano ang idinulot nito sa mamamayan partikular na sa mga mahihirap na sektor.

“Panawagan natin bago pumunta sa TRAIN 2, tingnan muna natin ang epekto ng TRAIN 1 lalo na sa mga mahihirap.” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radio Veritas.

Ang panawagan ng Obispo ay sa kabila ng pagsuspende ng Pamahalaan sa pagpapataw ng buwis sa mga produktong langis sa pagpapatupad ng TRAIN Law 2 sa susunod na taon.

Iginiit ni Bishop Pabillo na dapat itama ng kasalukuyang Administrasyon ang mga maling epekto ng TRAN Law 1 tulad ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa na labis nagpapahirap sa mamamayan.

Sinabi ni Bishop Pabillo na ang dapat hangarin ng Pamahalaan ang ikabubuti ng sambayanan lalo sa mga dukha na kulang sa kakayahang pinansyal upang tustusan ang mga pangunahing pangangailangan ng pamilya.

Bagamat nanindigan ang pamahalaan na ang pagtaas ng presyo ng langis ay dulot ng pabago-bagong presyo nito sa pandaigdigang pamilihan, iginiit naman ng iba’t ibang sektor sa bansa na nakadadagdag ang ipinataw na buwis sa petrolyo sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin gaya ng bigas na pangunahing pagkain ng mga Filipino.

Batay sa tala ng Philippine Statistics Authority 12 milyong pamilya ang aminadong naghihirap ito o katumbas ng halos 60 milyong indibidwal.

Una nang tinutulan ng mga lider ng Simbahan ang reporma sa pagbubuwis ng pamahalaan sapagkat malaki ang magiging epekto nito sa mahihirap na mamamayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 8,477 total reads

 8,477 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 229,095 total reads

 229,095 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 263,768 total reads

 263,768 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 279,668 total reads

 279,668 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 315,553 total reads

 315,553 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top