Diocese ng Caloocan, suportado ang Scholarships ng children of EJK victims

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 814 total reads

Itinuturing na hamon ng Diocese of Caloocan ang makapagbigay ayuda sa muling pag-ahon sa buhay ng mga naiwang pamilya ng mga biktima ng marahas na kampanya ng pamahalaan laban sa illegal na droga.

Tiniyak ni Rev. Fr. Jerome Cruz, Vicar General ng Diocese of Caloocan na puspusan ang pagpupursige ng Diyosesis na matulungan at masuportahan ang naiwang pamilya ng mga biktima ng War on Drugs.

Ayon sa Pari, bahagi ng tulong na ipinagkakaloob ng Simbahan ay ang scholarship program sa mga kabataang naulila ng mga biktima ng Extra Judicial Killings na nasasakupan ng Diyosesis.

“Isang napakalaking hamon na magkaroon pa sila ng buhay pagkatapos ng kalunos-lunos na pangyayari sa kanila, na magkaroon sila ng pagkakataon na magkaroon ng edukasyon para naman mayroong patunguhan yung kanilang buhay, hopefully yun yung isa naming talagang pinagsusumikapang gawin dito sa Diocese ng Caloocan yung suportahan yung mga children of EJK victims at saka yung mga pamilya nila para magkaroon ng scholarship para sa mga kabataan…” pahayag ni Father Cruz sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay nito, sa San Jose Academy sa Diocese of Caloocan napili ng Aid to the Church in Need Philippines na ilunsad ang Worldwide Prayer Event na One Million Children Praying the Rosary Campaign dahil na rin sa naaangkop ito sa layunin ng kampanya na ipanalangin ang kapakanan ng mga kabataang naulila sa War on Drugs ng pamahalaan.

Ayon kay Fr. Jerome Cruz na siya ring Director ng San Jose Academy, ang pagkakaloob ng Diyosesis ng Scholarship sa mga batang naulila ng EJK ay bahagi ng pagsusumikap ng Simbahan na makatulong sa pagbibigay ng pag-asa sa mga pamilyang biktima ng karahasan.

“San Jose Academy is an active part of this initiative and one of the schools, isa sa mga eskwelahan na nagsasakatuparan nito…” Dagdag pa ni Rev. Fr. Jerome Cruz.

Nakibahagi sa isinagawang One Million Children Praying the Rosary Campaign ng Aid to the Church in Need Philippines ang may 1,200 mag-aaral ng San Jose Academy mula Grade 1 hanggang grade 11 kung saan nakasabay nila sa pananalangin ng Santo Rosaryo ang iba pang mga kabataan sa may 80-mga bansa sa buong mundo.

Read: One Million Children Praying the Rosary, live sa Radio Veritas

Nauna na ring umapela sa mga otoridad si CBCP Vice President Diocese of Caloocan Bishop Pablo Virgilio David upang bigyang ng katarungan ang kaso ng mga pagpaslang partikular na sa Caloocan City-South, Malabon at Navotas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagod na pagod

 10,009 total reads

 10,009 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 230,627 total reads

 230,627 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 265,300 total reads

 265,300 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 281,200 total reads

 281,200 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 316,983 total reads

 316,983 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Baby Bishop course sa Vatican, nagsimula na

 49,326 total reads

 49,326 total reads Ibinahagi ni Radio Veritas Vatican Correspondent Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston, Rector ng Pontificio Collegio Filipino sa Roma ang pagsisimula ng formation course

Read More »
Scroll to Top