Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pagtulong sa mahihirap na estudyante, napapanahon ngayong ‘Year of Mercy’

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 537 total views

Nanawagan ang CBCP Episcopal Commission on Youth na napapanahon ngayong ‘Year of Mercy’ na tulungan ang mga nangangailangan lalo na ang mahihirap na mag-aaral na nais makapasok sa mga paaralan subalit kapos sa pondo.

Ayon kay Rev. Fr. Kunegundo Garganta, executive secretary ng komisyon, ngayon ang panahon ng pagtutulungan mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang bigyang prayoridad ang edukasyon ng mga kabataan sa bansa.

Binigyang diin nito ang panawagan ng Simbahan sa kongretong pagbabahagi ng habag at awa ng Panginoon sa mga nangangailangan kasabay ng patuloy na paggunita ng Simbahang Katolika sa Extraordinary Jubilee Year of Mercy.

“Nasa taon tayo ng pagdiriwang ng Extraordinary Jubilee Year of Mercy, maipakita itong habag at awa na ito sa isang kongretong paraan ng pag-agapay doon sa mga may kahirapang magtaguyod para sa pag-aaral ng mga bata at alam ko naman na maraming institusyon kasama ng Simbahan na tumutulong para sa pangangailangan na tumutulong para sa pangangailangan para sa edukasyon lalo na nasa panahon pa rin ng adjustment yung K-12 Program kailangan talaga ng maraming pag-uunawaan at pagtutulungan sa bagay na ito sa lahat ng sektor ng ating lipunan…” dagdag pa ni Fr. Garganta.

Kaugnay nito, inihayag ng pari na nararapat magpasalamat ng mga mag-aaral na makapagpapatuloy ng pag-aaral ngayong pasukan sa kabila ng maraming estudyanteng naman ang hindi makakatuntong sa mga paraalan dahil sa kahirapan.

Panawagan ito ng pari para sa mga mag-aaral at pamilya na hindi sapat ang kakayahan na makapagpatuloy ng pag-aaral dulot na rin ng implementasyon ng K-12 Program dala na rin ng kakapusan sa buhay.

“Alam nating itong panahong ito may mga mag-aaral tayo at mga magulang na humaharap din ng ilang suliranin at mga problema na nasa panganib na hindi makapag-aral o magakapagsimula sa taong ito ng pag-aaral, yung mga may kakayahan at may mga pagkakataon para sila ay makapagpatuloy alalahanin nila yung mga nasa mahirap na katayuan o kalagayan kung may tulong na magagawa to be able to share whatever help is available..” ang bahagi ng pahayag ni Rev. Fr. Garganta sa Radio Veritas.

Ngayong Hunyo, inaasahang nasa mahigit isang milyon ang papasok na mga mag-aaral sa Senior High School alinsunod na rin sa full implementation ng K-12 Program sa bansa.

Samantala, ayon sa tala ng National Statistical Coordination Board (NSCB) noong 2014, sa nakalipas na limang taon ay 11 sa bawat 100 batang Pilipino may edad 6 hanggang 11 taon ang hindi pumapasok sa elementarya, habang 40 sa bawat 100 bata may edad 12 hanggang 15 taon naman ang hindi rin nakakapasok sa sekondarya.

Bukod dito, higher education, sa mga may edad 20-34 taon, 1.9% lamang ang graduation rate noong 2000 at tumaas lamang ito ng 2% noong 2010.

Sa ulat ng Philippine Statistics Authority noong 2013, nasa 4 na milyon ang out of school youth na may gulang 6 hanggang 34.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tantanan na ang mga puno!

 7,653 total views

 7,653 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 28,718 total views

 28,718 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 51,740 total views

 51,740 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 91,089 total views

 91,089 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Malaking kilos-protesta, itinakda ng IRLCNT

 14,337 total views

 14,337 total views Inanunsiyo ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation (IRLCNT) ang nakatakdang pagsasagawa ng malaking kilos-protesta laban sa korapsyon at political dynasty sa bansa

Read More »
Scroll to Top