187 total views
Personal na hidwaan ang dahilan ng kasalukuyang kaguluhan at insidente ng karahasan sa lalawigan sa Agusan del Sur.
Ito ang resulta ng pangangalap ng impormasyon ng National Commission on Indigenous People sa CARAGA Region kaugnay sa naging paglikas ng ilang Tribo ng Lumad sa apat na sitio sa lalawigan.
Ayon kay Jean Gonzalez, head ng Quick Response Team ng NCIP-CARAGA Region, noong 2015 pa ang insidente ng pagpatay sa ilang miyembro ng tribo ng Lumad ng mga Magahat-na armadong grupo ng tribo sa lalawigan.
“Parang may problema sa kanila, sa tribo nila na personal na hidwaan na lumaki, kasi last year according sa report last year last July 6 may pinatay, binaril na couple tapos ang napatay yung wife ‘yung husband nabuhay na accordingly ang pumatay yung mga Magahat-yung mga Armed men mga IP din sila, mga katutubo din, so kasi natatakot sila na iba kasi itong Magahat pag may nakita daw na makita nila na gusto nilang patayin, talaga nila barilin nila, so lumikas sila..” Ang bahagi ng pahayag ni Gonzalez, sa panayam sa Radio Veritas.
Sa tala ng NCIP-CARAGA Region, 110-pamilya ang lumikas mula sa 4 na sitio sa Agusan Del Sur na katumbas ng nasa 479 na indibidwal na pansamantalang nasa ilang mga paaralan sa kapatagan.
Sa datos ng grupong KATRIBU mula 2010 ay 70-katutubo na ang naging biktima ng extra-judicial killing kung saan 53 sa mga nasawi ay mula sa rehiyon ng Mindanao.
Naitala din ng grupo ang siyam(9) na pambobomba sa mga tribal communities sa Mindanao na naging sanhi ng 54-kaso ng forced evacuation ng may 20-libong mamamayan.
Kaugnay nga nito, binigyang diin ng Kanyang Kabanalan Francisco sa kanyang Encyclical Letter na Laudato Si ang pagbibigay ng malaking papapahalaga sa mga tribo at katutubo na siyang pangunahing tagapangalaga ng kalikasan