P10 wage hike, walang epekto sa taas ng halaga ng bilihin at serbisyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 280 total views

Papogi lamang sa papaalis na administrasyong Aquino ang ibinigay na P10 dagdag sa sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

Ayon kay Leody De Guzman, chairperson ng Bukluran ng Manggagawang Filipino, kakarampot lamang ang taas-sahod mula sa P150-P160 na hinihingi ng mga kawani sa bansa.

Aniya, hindi ito nakatulong sa tunay na tugon sa problema ng mga kawani sa taas ng halaga ng mga bilihin at serbisyo ngayon.

Dagdag ni De Guzman, nakatulong ang P10 sa pamasahe papunta ng trabaho na nasa malapit lamang.

“Makakatulong sa pamasahe papunta sa trabaho, may sukli pang P3 pero sa kabuuan napakaliit, hindi ito masyadong makakaapekto sa naging problema ng mga manggagawa sa taas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa araw araw. Napakaliit, huwag lang sabihing hindi masabing nagbigay ang gobyerno ngayon bago umalis.” Ayon kay De Guzman sa panayam ng Radyo Veritas.

Kaugnay nito, inihayag ni De Guzman na base sa pag-aaral ng National Economic Development Authority (NEDA) kailangan ng isang pamilya na may 6 na miyembro ang P1,121 na budget kada araw para makapamuhay ng naaayon sa itinatadhana ng batas gaya ng makakain sa oras, mapaaral ang mga bata at makapamasyal.

Dahil dito aniya, sa halip na P10, kailangan ng mga manggagawa ang P150 na wage hike para maging ayon ito sa living wage ng mga manggagawa.

“Ang living wage dapat nasa P150-P160 para maka-cope lang, talagang kailangan ng mangaggawa na may 6 na miyembro ng pamilya ay nasa P1,121 sa araw araw, dahil mataas ang bilihin, serbisyo at lahat ng pangangailan. Sa kuwenta ng NEDA dapat ang manggagawa na may 6 members ay tumatanggap ng ganitong halaga. Malaki ang dapat ibigay, pero mauunwanaan dahil sa kalagayan. Siguro ang P150 napakaganda na, pero ang P10 nakapalakayo doon sa P150 na pinaguusapan ng labor group. Nasa ganyang halaga para lang makabawi, at hindi para bigyan ng disenteng buhay ang ating manggagawa gaya ng sinasabi sa ating konstitisyon.” Pahayag pa ni De Guzman.

Sa survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 93.4% ang employment rate sa bansa noong January 2015 kumpara sa 92.5% noong January 2014 kung saan 90.7% nito nasa Metro Manila

Sa Social Doctrine of the Church, kinakailangan na ang estado at mga may-ari ng kumpanya ay nagbibigay ng taas sahod sa kanilang manggagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng tamang benepisyo at ligtas na pagawaan upang magkaroon sila ng dignidad kasama ang kanilang pamilya.

Sa ngayon nasa P491 ang minimum wage sa NCR.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Papalayô sa tunay na demokrasya

 17,049 total views

 17,049 total views Mga Kapanalig, patuloy ang gulo sa Senado, isang institusyong inaasahan nating kumakatawan sa ating mga hangarin at tumutugon sa ating mga pangangailangan.  Noong

Read More »

BAKIT BIGO ANG K-12?

 67,063 total views

 67,063 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 62,932 total views

 62,932 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 98,977 total views

 98,977 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 106,816 total views

 106,816 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 81,866 total views

 81,866 total views AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 271,540 total views

 271,540 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top