Pagwasak sa buhay ng mamamayan, paglabag sa international law at dignidad ng bawat tao

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,648 total views

Mariing iginiit ni Cebu Archbishop Alberto Uy na walang anumang sigalot ang maaaring magbigay-katwiran sa pagwasak ng buhay ng mamamayan at lipunan.

Ito ang mensahe ng arsobispo bilang suporta sa panawagan ni Pope Leo XIV para sa kapayapaan sa gitna ng lumalalang tensyon sa Middle East.

Ayon sa arsobispo, malinaw na paglabag sa international law at sa dignidad ng bawat tao ang mga karahasan.

“No conflict, regardless of its complexity, can ever justify the destruction of civilian life or the targeting of communities and infrastructure,” ayon kay Archbishop Uy.

Muling binigyang-diin ng arsobispo ang buong suporta sa panawagan ni Pope Leo XIV para sa kapayapaan, pagpipigil, at paggalang sa buhay ng tao, lalo na sa harap ng banta ng malawakang pagkawasak.

Iginiit ng arsobispo na ang digmaan ay hindi solusyon sa krisis, subalit nagpapalala lamang ito ng pagkakahati-hati at pagkawasak.

“War does not heal wounds; it deepens them. It does not unite humanity; it divides us further,” ani Archbishop Uy.

Panawagan ni Archbishop Uy sa mga lider ng mundo na piliin ang landas ng dayalogo sa halip na komprontasyon at diplomasya kaysa karahasan.

Hinimok din ng arsobispo ang lahat ng mamamayan na makiisa sa pagtataguyod ng kapayapaan at ipagtanggol ang mga inosente lalo na ang mga bata, matatanda, at maysakit na lubhang naaapektuhan ng digmaan.

“As a Church, we stand in solidarity with all victims of violence, especially our Christian brothers and sisters in regions of conflict who continue to endure fear, displacement, and injustice. In their suffering, we see the suffering of Christ Himself,” giit ni Archbishop Uy.

Sa huli, hinikayat ng arsobispo ang mga mananampalataya na patuloy na manalangin para sa kapayapaan, na nananatiling posible sa tulong ni Hesus na muling nabuhay.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 139,858 total views

 139,858 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 264,269 total views

 264,269 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 303,072 total views

 303,072 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 374,725 total views

 374,725 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top