PAHRA, dismayado sa pagkaantala ng confirmation hearing ni Duterte sa ICC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,525 total reads

Dismayado ang Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) sa pagkaantala ng confirmation hearing ng International Criminal Court (ICC) kaugnay sa kaso ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa PAHRA ang pagkaantala sa pagdinig ng ICC sa kaso ng dating Pangulong Duterte ay nagdudulot din ng pagkaantala sa paghahanap ng katotohanan at katarungan para sa libu-libong biktima ng extrajudicial killings at iba pang paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng “War on Drugs.”

“The Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) expresses its deep disappointment over the postponement of the International Criminal Court (ICC) confirmation hearing on the case of former President Rodrigo Duterte. This delay prolongs the quest for truth and justice for the thousands of victims of extrajudicial killings and other grave human rights violations committed under his administration’s so-called “war on drugs.” Bahagi ng pahayag ng PAHRA.

Pagbabahagi ng PAHRA, ang bawat araw ng pagkaantala sa pagdinig sa nasabing kaso ay dagdag na pasakit sa mga biktima at kanilang pamilya na patuloy na naghahangad ng hustisya, katarungan at kapanatagan.

Paliwanag ng PAHRA, nakababahala ang pagpapaliban sa pagdinig ng ICC sa kaso ng dating Pangulo sapagkat maari itong makapagbigay ng maling mensahe na ang mga makapangyarihan ay maaaring tuluyang makaiwas sa pananagutan sa batas.

“Every day that justice is delayed adds to the suffering of victims and their families who continue to seek accountability, closure, and redress. The postponement risks sending a dangerous signal that those who wield power and commit mass atrocities can continue to evade justice. Justice delayed must never mean justice denied.” Dagdag pa ng PAHRA.

Giit ng PAHRA, mahalaga ang papel na ginagampanan ng International Criminal Court bilang huling sandigan ng mga biktimang naghahanap ng katarungan sapagkat bigong tugunan ng sistema ng batas sa bansa ang naging sistematiko at malawakang pagpatay sa ilalim ng nakalipas na administrasyong Duterte.

Kasabay nito, nanawagan ang PAHRA sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makipagtulungan sa ICC at pigilan ang anumang uri ng panghaharang sa proseso ng imbestigasyon ng ICC sa bansa.

“We call on the Marcos Jr. administration to fully cooperate with the ICC and cease obstructing international accountability efforts. As a State that remains bound by international human rights obligations, the Philippines must show its commitment to justice, truth, and the rule of law.” Ayon pa sa PAHRA.

Tiniyak naman ng PAHRA, ang patuloy na pakikiisa sa pagsusulong ng paghahanap ng katarungan para sa lahat ng mga biktima ng karahasan sa ilalim ng marahasa na implementasyon ng kampanya laban sa illegal na droga ng dating administrasyong Duterte.

“PAHRA stands in solidarity with all victims and survivors. The struggle for justice is far from over. We affirm our commitment, alongside our networks and allies, to continue pressing for accountability and ensuring that those responsible for crimes against humanity are held to account.”

Matatandaang ika-7 ng Marso, 2025 ng inilabas ng ICC ang arrest warrant laban kay dating Pangulong Duterte na isinapubliko noong ika-11 ng Marso, 2025 kung saan agad na inaresto ang dating Pangulo paglapag nito sa NAIA galing ng Hongkong.

Ika-12 ng Marso, 2025 ng pormal na isinuko sa custody ng ICC sa The Hague si dating Pangulong Duterte habang ika-14 naman ng Marso, 2025 ng unang humarap ang dating Pangulo sa International Criminal Court sa pamamagitan ng video link upang kumpirmahin ang kanyang katauhan sa ICC.

Sa tala ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) aabot ng halos 9,000 – katao ang nasawi sa ilalim ng War on Drugs ng administrasyong Duterte habang sa tala ng iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas ay sa mahigit 20,000 ang mga nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 22,618 total reads

 22,618 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 59,229 total reads

 59,229 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 285,499 total reads

 285,499 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 178,966 total reads

 178,966 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 271,784 total reads

 271,784 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top