Mag-asawang Discaya, hindi kuwalipikado bilang state witness

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 15,825 total reads

Naniniwala ang isa sa pinuno ng House Infrastructure Committee na hindi kuwalipikado bilang state witnesses ang mag-asawang kontratista na sina Curlee at Sarah Discaya.

Ayon kay Infracom lead-chairman Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon, ang mag-asawang Discaya ay kabilang sa itinuturing bilang “most guilty” sa katiwalian kaugnay sa flood control projects.

“Di sila kuwalipikado base sa ‘least guilty’ na pamantayan. Para sa akin, kasama sila sa most guilty sa corruption sa flood control projects,” ani Ridon, na nanawagang kasuhan sila ng plunder o corruption of public officials sa halip na isama sa Witness Protection Program.

Iginiit din ng mambabatas na sapat na ang affidavit ng mag-asawa, kung saan inamin nila ang pagkakasangkot sa korapsyon, upang tanggihan ang anumang hinihinging proteksiyong.

Sinang-ayunan din ni Ridon ang pahayag ni Pasig City Mayor Vico Sotto na nais lang ng mga Discaya na mag-state witness para makaiwas sa asunto, matapos nilang magbigay ng bilyon-bilyong kickbacks sa ilang opisyal ng gobyerno.

Sa Infracom hearing nitong Martes, binunyag ni Ridon na nakakuha ang mga Discaya ng halos ₱93.5 bilyon mula 2014 hanggang 2023 para sa mga proyektong imprastruktura, karamihan ay flood control. Aniya, kung may netong kita silang 10–15%, aabot ito sa ₱9.35 bilyon hanggang ₱14 bilyon.

“That means it’s in the billions,” giit ni Ridon, kasabay ng pagpapaalala na sila mismo ang nagmalaki sa mga panayam na ang kanilang yaman ay nasa “eleven digits.”

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 233,045 total reads

 233,045 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 264,776 total reads

 264,776 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 366,600 total reads

 366,600 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 407,163 total reads

 407,163 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 418,204 total reads

 418,204 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top