Pamahalaan, hinamon ng AKP na tuparin ang 2015 Paris agreement

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,884 total reads

Nanawagan ang Aksyon Klima Pilipinas (AKP) kaugnay sa climate action, na magtakda ang pamahalaan ng mas mataas at tiyak na target sa pag-update ng Nationally Determined Contribution (NDC) ng Pilipinas.

Ang NDC ay ang kusang-loob na pangako ng bansa na pababain ang antas ng greenhouse gas (GHG) emissions at paigtingin ang mga hakbang sa pang-angkop, bilang bahagi ng 2015 Paris Climate Agreement.

Ayon kay AKP national coordinator John Leo Algo, kinakailangan ang higit na pananagutan sa pagpapatupad ng mga plano sa klima sapagkat hindi sapat ang kasalukuyang mga estratehiya ng pamahalaan.

“The recent flood control scandals have shown us that current climate strategies are simply not enough. We need a stronger commitment in our next NDC, and we are more than capable of turning promises into actions,” pahayag ni Algo.

Magugunita noong 2021, nangako ang Pilipinas na babawasan ang greenhouse gas emissions ng 75% sa pagitan ng 2020–2030, subalit 72.29% nito ay “conditional” o nakadepende sa pondo at suporta mula sa ibang bansa.

Iginiit ng AKP, malinaw na may kakayahang pondohan ng bansa ang malaking bahagi ng climate strategies, kabilang ang pangangalaga sa kagubatan, reforestation, at paglipat mula sa paggamit ng fossil fuels patungo sa renewable energy.

Batay sa ulat, hindi pa umaabot sa 1% ng kabuuang USD72 bilyon o P4 trilyon na kinakailangan para sa pagpapatupad ng NDC ang nagagamit na pondo, at 88% pa ng climate finance na natanggap ng Pilipinas mula sa mayayamang bansa ay nagmula sa utang.

“The climate crisis is also an issue of accountability. Anyone responsible for worsening the climate crisis and its impacts being experienced by Filipinos, from corrupt and incompetent leaders to fossil fuel corporations, must be held accountable for their actions. Polluters must pay,” giit ni Algo.

Kasabay nito, hinikayat ng AKP ang sangay ng ehekutibo na makipagtulungan sa Kongreso upang matiyak na ang pambansang pondo ay nakaayon sa prayoridad para sa climate action.

Sinabi ni Algo na hindi maikakaila na nararapat lamang singilin ang mga mauunlad na bansa para sa kanilang pagkakautang sa kalikasan sa mga bansang mahina tulad ng Pilipinas.

“But even within our country, in some cases, it is not about a lack of money; it is how it is spent and whose hands they end up in,” dagdag ni Algo.

Target ng pamahalaan na matapos ang pag-update ng NDC bago ang United Nations climate negotiations sa November 2025 sa Belem, Brazil.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 1,053 total reads

 1,053 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 22,968 total reads

 22,968 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 63,529 total reads

 63,529 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 90,359 total reads

 90,359 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 138,624 total reads

 138,624 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 159,668 total reads

 159,668 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 128,862 total reads

 128,862 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top