Tungkulin ng mga lider ng pamahalaan na paglingkuran ang taumbayan, paalala ni Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 19,217 total reads

Pinaalalahanan ni Cebu Archbishop-designate Alberto Uy ang mga lider ng pamahalaan na ang pangunahing tungkulin nila ay ang paglilingkod sa kapakanan ng nakararami.

Ito ang mensahe ng obispo sa kapistahan ni San Nicolas Tolentino, isang paring namuhay ng payak at naglingkod ng tapat at may malasakit sa mananampalataya.

Sinabi ni Archbishop Uy na kung magpapatuloy ang malawakang korapsyon, hindi makakamit ng bansa ang inaasam na kaunlaran. Kaya’t kailangang magtulungan ang bawat isa upang isulong ang matapat at maayos na pamumuno.

“If corruption continues, our nation will never truly prosper. We cannot call the Philippines a Christian nation if its people are full of dishonesty and only look after their own interests. Leaders in government are called to serve, not to be served. You were chosen not to enrich yourselves, but to serve the people,” ayon kay Archbishop Uy.

Tinuran ng arsobispo ang ebanghelyo ni San Lucas kung saan inihahayag na kinalulugdan ng Diyos ang mga dukha, nagugutom, at tumatangis, habang kinapopootan naman ang mga mayayamang nagpakasasa sa hindi nila pag-aari, gayundin ang mga lider na uhaw sa kapangyarihan at nagnanakaw sa kaban ng bayan habang ang bayan ay nahihirapan.

“If you are a politician who lives simply and does not steal the people’s money, blessed are you. If you are a leader who hungers and thirsts for justice and does not allow ghost projects—blessed are you. If you are an official who cares for the poor, the sick, the victims of floods and calamities—blessed are you,” dagdag ng arsobispo.

Iginiit ni Archbishop Uy na ang mga halimbawa ni San Nicolas ay paalala sa bawat isa na mamuhay sa katotohanan, katarungan, at kalinisan, sapagkat ito ang tunay na mga kayamanang kinalulugdan ng Panginoon.

“If you live honestly, not only will God bless you—the people you serve will also be blessed. And that blessing will endure into eternity,” ani Archbishop Uy.

Kasalukuyang pinag-uusapan ng buong bansa ang nabunyag na katiwalian sa mga ghost flood control projects na kinasasangkutan ng ilang opisyal at kawani ng pamahalaan, kung saan bilyon-bilyong pisong halaga ang nawawala dahil sa korapsyon.

Una nang nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na magsagawa ng independent investigation kaugnay sa mga flood-control projects upang tunay na makamit ang katarungan at mapanagot ang mga totoong sangkot sa katiwalian.

Si San Nicolas Tolentino ay isang misyonerong Italyano na ipinanganak noong 1245 sa Tolentino, Italya. Kilala siya sa kanyang kabanalan at debosyon sa Diyos, at naging miyembro ng Orden ni San Agustin. Ipinagpatuloy niya ang kanyang misyon sa pagtulong sa mga mahihirap at mga naglalakbay, pati na rin sa pagpapalaganap ng mga turo ng simbahan. Siya ay namatay noong 1305 at naging santo ng Simbahang Katolika. Ang kanyang kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing Setyembre 10.

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 2,388 total reads

 2,388 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 25,147 total reads

 25,147 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 65,708 total reads

 65,708 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 92,411 total reads

 92,411 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 140,676 total reads

 140,676 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 161,647 total reads

 161,647 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top