Sa gitna ng COVID-19 pandemic, kumikita pa rin ang mga Discaya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,642 total reads

Pinuna ni Deputy Speaker Janette Garin ng Iloilo ang tuloy-tuloy na paglaki ng kita ng mga kumpanya ng mag-asawang Pacifico at Sarah Discaya, maging sa panahon ng Covid-19 pandemic.
Ang mag-asawang Discaya ay ang may ari ng St. Timothy Construction Corp. at siyam na iba pang construction firm na bahagi ng iniimbestigahan ng Kamara at Senado dahil sa ghost at substandard infrastructure at flood control projects ng pamahalan.
Ayon kay Garin, ang paglago ng kita ng mag-asawa ay sa kabila ng pandaigdigang pagbagsak ng ekonomiya, kabilang na ang Pilipinas na dulot ng epekto ng pandemya.

Batay sa financial statements na isinumite sa Securities and Exchange Commission (SEC), umabot sa ₱11.58 bilyon ang kita ng Discaya group mula sa gobyerno noong 2020. Sumunod ang ₱16.07 bilyon noong 2021, at ₱20.52 bilyon noong 2022. Noong 2023, nanatili sa mataas na antas ang kita na ₱18.62 bilyon.

Ayon kay Garin, kasabay ng pagtaas ng kita ng mga kumpanya ang malawakang kahirapan sa bansa at hindi sapat na suweldo ng mga healthcare workers, na naglalarawan ng matinding kaibahan sa pagitan ng lumalaking yaman ng ilang pribadong kumpanya at ng hirap ng ordinaryong Pilipino dulot ng pandemya.

“Ito ang panahon na marami ang nawalan ng trabaho, marami ang uncertainties, marami ang namatay, marami ang lumubog sa utang dahil napakamahal ng testing sa Pilipinas,” wika ni Garin.

Dagdag niya: “Ito rin ang panahon na ang ating healthcare workers ay hindi naswelduhan ng tama. Pero ang Discaya group of companies, ang revenue nila from government ay P11.583 billion [in 2020].”

“Of course, with due courtesy to Mr. Discaya, siguro they took advantage of a situation,” ayon kay Garin.

Taong 2020-sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte nang maranasan ng bansa ang matinding hamon sa kalusugan, at ekonomiya, kung saan ang nagpatupad ng lockdown at quarantine measures sa buong bansa upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 na naging dahilan kung bakit maraming negosyo at trabaho ang naapektuhan, kabilang na ang pagtaas ang bilang ng mga mahihirap at nawalan ng hanapbuhay.

Ayon sa datos mula sa Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang 7.3 milyong manggagawa ang nawalan ng trabaho sa Pilipinas noong Abril 2020 dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic. Ang bilang na ito ay nagresulta sa pinakamataas na antas ng 17.7% unemployment rate sa kasaysayan ng bansa

eMAIFIP, pinalawak ng DOH

 4,229 total reads

 4,229 total reads Pinalalawak ng Department of Health o DOH ang Electronic Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o eMAIFIP upang mas maraming Pilipinong

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 28,180 total reads

 28,180 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 68,741 total reads

 68,741 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 95,325 total reads

 95,325 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 143,591 total reads

 143,591 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 164,393 total reads

 164,393 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 24,084 total reads

 24,084 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top