Search

Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

FIND, dismayado sa pagpapaliban ng confirmation hearing ng dating pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,021 total views

Nagpahayag ng pagkadismaya ang Families of Victims of Involuntary Disappearance (FIND) sa pagpapaliban ng International Criminal Court (ICC) sa confirmation hearing kaugnay sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakatakda sana sa ika-23 ng Setyembre, 2025.

Ayon sa grupo, maituturing na dagok para sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay ang pagkakaantala ng pagdinig sa kaso ng dating Pangulo na naglunsad ng marahas na War on Drugs mula ng maihalal noong 2016.

Pagbabahagi pa ng FIND, ang pagkaantala sa pagdinig ng kaso ni dating Pangulong Duterte ay isa ring masakit na paalala sa mga kapamilya ng mga biktima ng karahasan sa reyalidad ng kawalang katarungan at pagkakait ng hustisya sa bansa.

“For families who have endured the loss of loved ones through killings and enforced disappearances linked to his bloody “war on drugs,” this delay is not a mere technicality but rather another blow to their already long-denied pursuit of justice. Such postponement strengthens the climate of impunity in the Philippines and reinforces the painful reality that, for victims’ families, justice delayed is justice denied.” Bahagi ng pahayag ng FIND.

Ayon sa grupo, ang ICC ay itinuturing ng mga kapamilya ng mga biktima ng War on Drugs na huling natitirang paraan upang kanilang makamit ang katotohanan, pananagutan, at katarungan para sa kanilang mga mahal sa buhay.

Paliwanag ng grupo, ang pagpapaliban sa nasabing pagdinig na isang mahalagang bahagi ng paglilitis sa mga kaso ng dating Pangulo ay isang banta sa pag-asa ng mga taong matagal nang naghintay katarungan at pagkilala sa pagdurusa at mga karapatan ng mga biktima ng karahasan.

Nananawagan naman ang FIND sa ICC na tiyakin ang pagbibigay katarungan sa lahat ng mga biktima ng karahasan lalo’t higit ang mga pinaslang upang mapagaan ang dinadala ng kanilang mga mahal sa buhay na matagal ng naghahangad ng hustisya para sa kanilang mga kapamilya.

“FIND calls on the ICC to ensure that justice is pursued without undue delay and that the voices of victims and their families remain at the center of its processes. Each day of postponement adds to their pain, but families remain steadfast in their demand for truth, justice, and accountability. Justice is long past overdue. Families and victims must not be made to wait any longer.” Dagdag pa ng FIND.

Sa datos ng FIND, may 56 na kaso ng sapilitang pagkawala ang naitala ng grupo na may kaugnayan sa marahas na implementasyon ng War on Drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte.
Sa tala ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) aabot ng halos 9,000 – katao ang nasawi sa ilalim ng War on Drugs ng administrasyong Duterte habang sa tala ng iba’t ibang human rights organizations sa Pilipinas ay sa mahigit 20,000 ang mga nasawi.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

APAT NA DEKADA

 28,327 total views

 28,327 total views Mag-aapat na dekada nang ipag-utos ng 1987 Philippine constitution o Saligang Batas ng Pilipinas sa mga mambabatas (Congressmen/Senador) na isabatas ang anti-political dynasty

Read More »

Tantanan na ang mga puno!

 95,815 total views

 95,815 total views Mga Kapanalig, sa mga lungsod man o sa mga bundok, hindi tumitigil ang pagpuputol ng mga puno! Noong isang buwan, inihinto ang pagpuputol

Read More »

Karapatan sa kalusugan para sa iilan?

 116,880 total views

 116,880 total views Mga Kapanalig, ang healthcare o pangangalaga sa kalusugan ay isang pangunahing karapatang pantao. Hindi ito luho. Hindi ito pribilehiyo para lamang sa iilan.

Read More »

Maging instrumento ng katotohanan

 139,271 total views

 139,271 total views Mga Kapanalig, parami na nang parami ang mga nakatatanggap ng mga maleta na naglalaman ng limpak-limpak na perang kickback diumano mula sa mga

Read More »

A WAY TO LATE?

 174,772 total views

 174,772 total views Huli na ba ang lahat? O blessings in disguise? Kapanalig, sa paglaganap ng social media at pagkaroon ng access ng mayorya ng mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top