Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Paid Pandemic Leave, isinusulong ng labor groups

SHARE THE TRUTH

 382 total views

Nagkaisa ang ibat-ibang labor at concerned groups na iparating sa pamahalaan ang pagsasabatas ng Paid Pandemic Leave (PPL).

Sa liham na ipinadala ng may 21 grupo sa pangunguna ng Kilusan ng Manggagawang Kababaihan (KMK), Alliance of Nationalist and Genuine Labor Organizations (ANGLO), Kilusang Mayo Uno (KMU) at Association of Democratic Labor Organizations (ADLO) ay kanilang ipinananawagan sa pamahalaan ang pagsuporta rin sa mga batas na kasalukuyang dinidinig sa Senado at Kongreso.

Ito ay ang mga batas nina Senator Leila Delima na Senate Bill 2148 at Gabriela Partylist na House Bill 7909 na layong magkaroon ng hiwalay na pandemic leave ang mga manggagawang mahahawaan ng COVID-19 at nagkaroon ng exposure sa mga taong magpopositibo mula sa virus.

Pagpapabatid pa ng mga grupo, ito ay dahil na rin sa mga pangambang marami ng manggagawa ang nahahawaan ng COVID-19 dahil na rin sa banta ng Omicron variant.

“Kami po, mga manggagawa at labor advocates, ay lumalapit sa inyong mga lingkod upang ipaabot na lubos na apektado kaming muli ng surge na dulot ng Omicron variant ng COVID-19. may pambihirang paglaki ngayong Enero,” pahayag ng grupo.

Ang usapin ng Paid Pandemic Leave at nagsimula ng himukin ng Department of Labor and Employment ang mga employers ng pribadong kompanya na ipatupad ang hiwalay na official leave ng kanilang mga empleyadong mahahawaan o magkakaroon ng exposure sa COVID-19.

Patuloy naman ang panghihimok ng Simbahang Katolika sa bawat namumuhunan na bigyan ng nararapat na pagpapahalaga at dignindad ang bawat isa sa kanilang mga manggagawa, ito ay sa pamamagitan ng pagagawad ng wastong pasahod at ibat-ibang uri ng benepisyo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 14,906 total views

 14,906 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 26,389 total views

 26,389 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 42,078 total views

 42,078 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 42,786 total views

 42,786 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 52,007 total views

 52,007 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top