Paigtingin ang pagbabahagi ng pananampalataya, apela ni Cardinal Advincula

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 32,740 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula ang pamayanan ng Minor Basilica and Parish of San Sebastian na gawing pagkakataon ang ika-50 anibersaryo nito bilang parokya upang panibaguhin ang katapatan sa Diyos at paigtingin ang pagbabahagi ng pananampalataya sa mga susunod na henerasyon.

Sa kanyang homiliya sa closing celebration ng ika-50 anibersaryo ng San Sebastian Basilica, kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit ng Mahal na Birheng Maria nitong August 15, binigyang-diin ni Cardinal Advincula na ang pagdiriwang ay higit pa sa paggunita sa nakaraan kundi sa patuloy na paglago sa hinaharap.

“Every anniversary is more than a remembrance of the past; it is an invitation to renew our fidelity and to move forward in hope,” ayon kay Cardinal Advincula.
Bukod sa anibersaryo ng pagkatatag bilang parokya ay ginugunita rin ng dambana ang ika-135 anibersaryo ng pagpasinaya ng tinaguriang ‘all-steel’ church at ang ika-35 anibersaryo ng pontifical coronation sa imahe ng Nuestra Señora del Carmen de San Sebastian, ang Ina at Reyna ng Quiapo.

Ayon sa kardinal, mahalagang kilalanin ang pananampalataya at sakripisyo ng mga naunang henerasyon na naglingkod, nag-ingat at nagpatatag sa pamayanang Kristiyano sa San Sebastian.

Gayunman, hinamon ng kardinal ang kasalukuyang henerasyon na pag-isipan ang mga hakbang na gagawin upang maipamana ang pananampalataya sa susunod na henerasyon.
“What kind of Church are we preparing to hand on to the next generations that will come after us? What faith, what values, what devotion, and what witness will they receive from us?” ani ng kardinal.

Binigyang-diin din ni Cardinal Advincula na ang San Sebastian Basilica ay hindi lamang isang makasaysayang gusali na yari sa bakal at bato, kundi isang buhay na saksi ng pananampalataya.
“The Basilica’s long history reminds us that churches are not merely beautiful structures made of steel and stone; they are living witnesses to a faith that has been handed down, celebrated, tested, renewed, and entrusted to a new generation,” giit ni Cardinal Advincula.

Ipinakita ng kardinal na ang paglalakbay ng San Sebastian bilang pamayanang Kristiyano ay kaugnay ng mensahe ng Pag-aakyat sa Langit kay Maria na isang paalala na ang tunay na sukatan ng pananampalataya ay hindi lamang ang haba ng paglalakbay kundi ang katapatan sa araw-araw na pagsasabuhay ng “oo” sa Diyos.
“Mary teaches us that fidelity to God is not measured simply by the length of our journey, but by the faithfulness with which we say ‘yes’ to God each day,” aniya.

Hinimok din niya ang mga mananampalataya na tularan ang Mahal na Birhen sa buong-pusong pag-aalay ng sarili, pagpapakumbaba at paninindigan para sa katarungan ng Diyos.

Kabilang sa mga itinampok sa mga mahalagang yugto ng dambana ang pagsariwa sa pagputong ng korona sa Mahal na Ina at ang pagbabasbas sa mga tanda ng pagiging basilica, ang Tintinnabulum at Umbraculum.

Kasunod ng banal na misa ay isinagawa naman ang maringal na prusisyon sa mga pangunahing lansangan sa paligid ng basilica.

Itinatag ng mga Augustinian Recollect ang dambana noong 1621. Pinasinayaan ang all-steel church noong 1891, isang taon matapos itong itaas ni Pope Leo XIII bilang basilica.

Taong 1975 nang ganap itong naging parokya; noong 1982, idineklarang National Historical Landmark dahil sa natatangi nitong kasaysayan, arkitektura, at kahalagahan sa kulturang Pilipino; at noong 1991 naman, kinoronahan ang kinikilalang Ina at Reyna ng Quiapo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Fashion show sa baha

 19,861 total reads

 19,861 total reads Mga Kapanalig, ano ang datíng kapag ang mga pulitiko na nakikiramay sa mga binaha ay nakasuot ng mamahaling damit? Ang Pampanga ay ang

Read More »

Perwisyo sa NLEx

 43,159 total reads

 43,159 total reads Mga Kapanalig, napagsabihan na ba kayo nito: “kung ayaw mong ma-traffic, umalis ka nang maaga.” Pero paano kung umalis ka nga nang maaga,

Read More »

Pagod na pagod

 79,660 total reads

 79,660 total reads Mga Kapanalig, pagod na pagod na raw si Senador Juan Miguel Zubiri sa sobrang siksik na schedule niya tuwing pumapasok sa Mataas na

Read More »

Kahirapan sa bansa

 300,284 total reads

 300,284 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 333,811 total reads

 333,811 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top