7,903 total views
Hinamon ni Pope Francis ang Economy of Francesco Foundation (EoF Foundation) na palawakin ang pagpapabuti nang pandaigdigang ekonomiya gamit ang mga katuruan ng simbahan.
Ito ay sa personal pagharap ng Santo Papa sa 30-opisyal at miyembro ng EoF Foundation na binuo upang isulong ang pagpapabuti sa pandaigdigang ekonomiya.
Tiwala ang Santo Papa na matutunan ng EoF Foundation ang higit na pagmamahal sa kanilang mga ginagawa upang mapaunlad ang ekonomiya na mayroong pagkalinga sa mundo.
“Love the economy, love workers, the poor in a concrete way, giving priority to the situations of greatest suffering. It is not the great and the powerful who change the world for the better: it is love that is the first and greatest factor of change,” ayon sa mensahe ng Santo Papa na ipinadala ng EoF Foundation sa Radio Veritas.
Ipinagdarasal ng Santo Papa na huwag mapagod at manawa ang mga kabilang sa organisasyon sa misyon na isama sa pag-unlad ang mga mahihirap.
Ipinaalala din ni Pope Francis sa EoF Foundation na maging bukas upang patuloy na mahimok ang mas marami na makiisa at maging mabuting impluwensya sa lipunan lalu na ang mga kabataan.
“Now – one of the passages of the Pope’s speech – a new phase begins for you. This beautiful reality of yours must grow, strengthen, reach ever more young people, and bear the typical fruits of the Gospel and of good. Thank you for everything, for everything you do and have done, which has gone beyond expectations, I wanted to focus on you, because young people have their whole lives ahead of them, they are a living ‘path’, and from a path good things can be born, being careful to prevent the bad ones. The world of economics needs a change,” bahagi pa ng mensahe ni Pope Francis na ipinadala ng EoF Foundation sa Radio Veritas.
Makalipas ang limang taon matapos maitatag ang EoF Movement, ngayong September 2024 lamang inaprubahan ng Santo Papa ang pagiging EoF Foundation nito kung saan itinalaga si Diocese of Assisi Italy Bishop Domenico Sorrentino bilang Pangulo,
Italian Economist Luigino Bruni bilang bise-presidente at Francesca Di Maolo ng Seraphic Institute for the Deaf bilang Board Member ng organisasyon.