4,598 total views
Binansagan ng Caritas Philippines ang mga Filipino seafarer bilang ‘silent evangelizers’ dahil sa pagpapalaganap sa pananampalataya habang naglalayag at nagtatrabaho sa ibayong dagat.
Ito ang papuri at pagkilala ni Caritas Philippines President Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa Filipino seafarers sa paggunita ng National Seafarers sunday tuwing huling linggo ng Setyembre sa Pilipinas.
Ayon as Obispo, sa tulong ng pagtatrabaho ng mga mandaragat ay kanilang nadadala at naibabahagi sa marami ang pananampalatayang kristiyano.
“Our seafarers not only bring home financial support for their families but also spread the light of our faith through their actions and character, They are living testimonies to the strength and resilience of the Filipino spirit, guided by faith,” mensahe ni Bishop Bagaforo.
Kasabay nito ay ang pagkilala ng Obispo sa pag-agapay ng mga Filipino seafarer sa ekonomiya ng Pilipinas.
Sinabi ng Obispo na dahil sa ipinapadalang dolyar sa mga mahal sa buhay sa Pilipinas ay napapataas nila at lumalakas ang purchasing power ng mga mamimili na nagpapaunlad ang ekonomiya ng Pilipinas.
Apela ng Caritas Philippines sa pamahalaan, maritime stakeholders at shipping companies ang pinaigting na pakikiisa sa mga mandaragat sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga batas o inisyatibo na titiyaking ligtas sila sa kanilang trabaho habang naglalayag.
“Caritas Philippines calls on the government, shipping companies, and all stakeholders to continue improving the working conditions, rights, and welfare of Filipino seafarers. The organization also urges the public to show their appreciation for these modern-day heroes who brave the seas to secure a better future for their families and our nation,” bahagi pa ng ipinadalang mensahe ni Bishop Bagaforo.