Painting ng pagbibinyag sa Pilipinas bilang Kristiyanong bansa, isasapubliko ng CBCP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,244 total reads

Ipapakita sa publiko ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang isang painting kaugnay sa unang pagbibinyag bilang kristiyanong bansa ng Pilipinas.

Ayon kay Kalookan Bishop Pablo Virgilio David, vice-president ng CBCP, ito ay isang orihinal na mural o malaking painting ng binyag ni King Humabon at Reyna Juana o Reyna Humamay.

Ang larawan ay hindi sinasadyang natagpuan sa lumang tanggapan ng CBCP sa Maynila.

‘Pina-authenticate at dineclare na authentic ng anak ni Fernando Amorsolo. By the way, this coming celebration, 500 years of Christianity ia-unveil para makita ng mga tao,” ayon kay Bishop David.

Sinabi ni Bishop David na lumabas sa authentication na orihinal na likha ng national artist na si Fernando Amorsolo ang painting.

“Ang naka-paint doon is the baptism of King Humabon at Reyna Juana actually ang original name ni Juana ay Reyna Humamay,”bahagi ng kuwento ni Bishop David sa Radio Veritas

Ang binyag na ito ay may petsang April 14, 1521.

Isang imahe rin ng Santo Niño ang naging regalo ni Magellan sa mag-asawa na siyang simula ng pananampalataya kay Hesus sa pamamagitan ng imahe ng kanyang kabataan- at ang debosyon ng mga Filipino sa Niño Jesus.

Ang debosyon ng Santo Niño ay isang popular na debosyon ng mga Filipino na taunang ipinagdiriwang lalu na sa Visayas region.

Inaasahan ding magpapalimbag ang simbahan ng Pilipinas ng kasaysayan ng pananampalatayang Filipino kaugnay sa mga unang misyonero ng simbahan sa bansa.

“Balak ng CBCP through the Church Historians Association of the Philippines ay maglulunsad ng iba’t ibang lecture series at mag-iinvite ng church historians na magbigay ng lecture on very specific topics ng history of Christianity of the Philippines at iipunin ito mga lectures na ito. At eventually iipunin itong mga lectures na ito into publications. At ang first part ng publication ay about the early missions,” ayon kay Bishop David

Sa taong 2021, ipagdiriwang ng simbahang Katolika sa Pilipinas ang ika-5 sentenaryo ng pananampalataya kung saan siyam na taon ang ginawang paghahanda ng simbahan para sa malaking pagdiriwang.

Kabilang na dito ang pagdiriwang kada taon na may paksa sa iba’t-ibang sektor ng simbahan at ngayong taon ipinagdiriwang ang Year of the Youth.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 13,690 total reads

 13,690 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 50,906 total reads

 50,906 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 277,176 total reads

 277,176 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 170,643 total reads

 170,643 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 263,987 total reads

 263,987 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 4,492 total reads

 4,492 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top