Pakinggan ang hinaing ng mga PDL, panawagan ng CBCP-ECPPC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 789 total reads

Makinig sa pagtangis ng kapwang nangangailangan ng pagkalinga gaya ng mga Persons Deprived of Liberty (PDLs).

Ito ang panawagan ni Rev. Fr. Nezelle O. Lirio,Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Prison Pastoral Care (CBCP-ECPPC) kaugnay sa pagsisimula ng 35th Prison Awareness Week ngayong taon.

Ayon sa Pari, mahalaga ang pakikinig sa kapwa maging sa pagtangis ng mga bilanggo na nakagawa ng pagkakasala sa batas at kapwa.

Ipinaliwanag ni Fr. Lirio na mahalaga ang pakikinig upang makapagbuo ng mas epektibong correctional community na makapagdudulot ng paghilom, at ganap na pagbabalik loob sa mga nagkasala.

Sinabi ng Pari na ipinapaalala ng Prison Awareness Week na sa kabila ng mga kasalanang nagawa ay hindi pa rin naaalis ang dignidad ng mga bilanggo bilang isang tao.

“Let us listen to each other’s cries, let us listen to the cries of our PDL brothers and sisters in order for us to form a healing and a reforming and a loving correctional community.”panawagan ni Fr. Lirio.

Ayon sa Pari, ang Panginoon ang tunay na huwaran ng pakikinig sa tawag ng sangkatauhan na sa kabila ng pagiging makasalanan ay mas nangingibabaw ang kanyang pagmamahal.

“God perfectly knows the art of listening that is why he is able to love us despite our imperfections. Napakagaling pong makinig ng Diyos, napakagaling makinig ng ating Panginoon kaya sa kabila po ng ating mga kasalanan kayang kaya pa rin tayong mahalin”.Dagdag pa ni Fr. Lirio.

Tema ng 35th Prison Awareness Week na gugunitain mula mula ika-24 hanggang ika-30 ng Oktubre, 2022 ang “Towards Listening, Healing and Loving Correctional Community” na naglalayong higit na mapaigting ng Simbahan ang pakikinig sa mga hinaing ng mga bilanggo o PDLs (Persons Deprived of Liberty).

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 79,647 total reads

 79,647 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 120,207 total reads

 120,207 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 143,253 total reads

 143,253 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 191,521 total reads

 191,521 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 210,510 total reads

 210,510 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top