Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 9,099 total reads

Homiliya para sa Miyerkoles ng Abo, 5 Marso 2025, Mt. 6:1-6, 16-18.

Para hindi tayo maligaw tungkol sa sinasabi ni Hesus sa binasa nating ebanghelyo, linawin muna natin kung ano ang hindi niya sinasabi. Hindi niya sinasabi na masama ang gumawa ng kabutihan sa nakikita ng mga tao.

Di ba siya nga mismo maraming beses din siyang gumawa ng mabubuting bagay sa gitna ng publiko? Sa maraming pagkakataon na nagpagaling siya ng mga maysakit, nasa piling siya ng maraming tao. Nakita siya ng ibang tao nang paramihin niya ang tinapay at pakainin ang limang libo, gayundin nang iligtas niya sa kahihiyan ang bagong kasal na naubusan ng alak. Di ba pinagmamasdan daw siya ng mga alagad nang nagdarasal siya at nakiusap pa nga silang magpaturo kung paano magdasal? At di ba siya mismo ginamit niya ang talinghaga ng ilawan na hindi daw dapat itago sa ilalim ng takalan at sinabi sa mga alagad niya: “Hayaan ninyong tumanglaw ang inyong liwanag sa iba upang makita nila ang inyong mabubuting gawa at luwalhatiin nila ang inyong Diyos Ama sa langit?” Ayun ang punto: ang dapat itawag pansin ay hindi ang sarili kundi ang kabutihan, kabanalan at kagandahang-loob ng Diyos.

Kapag ang tunay na intensyon sa paggawa ng mabuti ay ang itawag pansin ang sarili, walang kinalaman ito sa Diyos. Iba yung gumawa ng mabuti at may taong nakakita at nagvideo nito na di mo alam at pinost ito at nag-viral dahil maraming na-inspire, kesa doon sa masyadong obvious na pagtataas ng sariling bangko para sabihin sa madla: ang bait ko ano? Ang banal ko, ano?

Kaya siguro ang Tagalog translation ng hypocrite ay “Pakitang tao.” Kunwari gumagawa ng mabuti sa kapwa, iyon pala gusto lang gamitin ang kapwa para sa sariling agenda o para itawag-pansin ang sarili. Ang tunay na isyu pala ay pagkukunwari o panlilinlang na hindi salita ang gamit kundi gawa.

Pwede nating lokohin ang kapwa pero pwede ba nating lokohin ang Diyos na nakakakita sa itinatago natin sa kaloob-looban natin? Narinig natin kung paano inulit-ulit sa ebanghelyo: “Ang Diyos na nakakakita sa nakatago ang siyang gagantimpala sa iyo.” Pwede bang mangyari na ang nakikita at inaakala nating mabuting gawain ay mayroon palang hindi mabuting intensyon o layunin na hindi natin nakikita, pero nakikita ng Diyos? Tatlong gawain ang tinutukoy sa ebanghelyo: una, ang di-nakikitang kawanggawa. Pangalawa, ang di-nakikitang kabanalan. At pangatlo, ang di-nakikitang penitensya.

Una, ang di nakikitang kawanggawa, ay wala daw hinihintay na kapalit. Hindi naman lahat ng regalo ay totoong regalo di ba? Ang iba ay suhol o padulas. Ang iba ay hindi lang “with strings attached” kundi lubid at tanikala—parang patibong. Hindi lahat ng tinatawag na ayuda ay totoong ayuda na galing sa salitang Kastila na ang ibig sabihin ay tulong o pagkakawanggawa. Ang iba ay pampautang-na-loob may hinihintay na bayad, o diretsuhin na natin—pambili ng boto. Masama na nga kahit sariling pera ang gamit para pambili ng boto. Ang mas masahol ay ang nanggigisa sa atin sarili nating mantika. Tulad ng gumagamit ng pondong pampubliko bilang pork barrel na kunwari gagamitin sa kawanggawa. Pero makapangyarihan kahit pirma lang ni Congressman na pang-dialysis. Hindi kawanggawa ang tawag sa ganyan kundi pananamantala sa kahirapan ng mga dukha. Ano ang mapapala ng bayan kapag ganyan ang iniluluklok natin sa puwesto bilang lingkod-bayan? Kapag ang turing sa pondong gubyerno na galing sa mga buwis ng mamamayan ay personal na pondo.

Pangalawa: ang di nakikitang kabanalan. Sabi ni propeta Joel sa unang pagbasa (Joel 2:12): “Ang puso ang warakin hindi ang damit.” Simbolo lang ng pag-aayuno ang abo sa noo. Ang tunay na mahalaga ay ang paalala nito: na magpakumbaba, na huwag kalilimutan na tayo’y alabok at sa alabok magbabalik. Si propeta Isaias naman ang minsan ay nagsabi (Isa 29:13): “Pinupuri ako ng bayang ito sa kanilang mga labi, pero malayo sa akin ang kanilang mga kalooban.” Sa habag, malasakit at kabayanihan nakikita ng Diyos totoong kabanalan. Ang debosyon na walang pagibig ay parang moro-moro lamang. Nakikita ng Diyos ang nakatagong pagkakaiba ng pagpapakabanal at pagbabanal-banalan.

Pangatlo: ang di-nakikitang penitensya. Sa Isaias 58:5-7, naitanong minsan ng propeta sa bayan, “Ito ba ang klase ng pag-aayuno na hinihingi ko? Ang yumukong parang tambo, ang maligo sa abo at magsuot ng basahang gula-gulanit? Hindi ba ito ang ayuno na ikinalulugod ko: ang makitang magpalaya sa mga nakagapos sa tanikala ng pagkaalipin, ang magpagaan sa mga pasanin ng nabibigatan, ang magbahagi ng makakain sa nagugutom, o nang masisilungan sa mga palaboy…? Walang saysay ang mag-ayuno sa karne pero oorder ng oorder ng African seabass sa mamahaling restoran. Huwag naman nating tawaging penitensya kung ang intensyon ay magreduce o magpaseksi. Di ba mas makabuluhang penitensya kesa bawas kanin ang bawas-oras sa social media?
Ang magsanay sa di-nakikitang penitensya, kabanalan at kawanggawa—ito ang tunay na layunin ng panahon ng kuwaresma.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 23,217 total reads

 23,217 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 60,581 total reads

 60,581 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 78,792 total reads

 78,792 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 163,120 total reads

 163,120 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 199,409 total reads

 199,409 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

BASBAS NI NANAY

 7,850 total reads

 7,850 total reads Homiliya para sa araw ng paggunita sa kapistahan ni Santa Monica, ina ni San Agustin, 27 ng Agosto 2026, 1 Cor 1,1-9; Mateo

Read More »

THE “SON OF MAN”

 12,851 total reads

 12,851 total reads Homily for the 21st Sunday in Ordinary Time, 23 August 2026 Matthew 16:13–20 We need to do a little Bible study for a

Read More »

LOVE YOUR NEIGHBOR AS YOURSELF

 9,636 total reads

 9,636 total reads Homily for the Last Day of the Novena Mass of Mary the Queen Parish, Friday, 21 August 2026 Ezekiel 37:1–14; Matthew 22:34–40, Votive

Read More »

SINO?

 21,585 total reads

 21,585 total reads Homiliya para sa Ika-18ng linggo ng Karaniwang Panahon, 2 Agosto 2026, Mateo 14:13-21 Ang kulturang Pinoy ang makapagpapaunawa sa atin sa eksenang inilalarawan

Read More »
Scroll to Top