Palakasin ang frontliners sa mga komunidad

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 415 total views

Mga Kapanalig, sa matagal na panahong napaloob tayo sa pandemyang kinakaharap hanggang ngayon, mayroong mga frontline health workers na hindi gaanong nabibigyang-pansin. Ngayong napupuno ang mga ospital sa Kamaynilaan at humihingi ng saklolo ang mga health workers dito, ang tugon ng gobyerno ay ang magpadala ng mga health workers mula sa ibang mga rehiyon upang tumulong sa mga ospital sa Metro Manila.

Ngunit lingid sa marami, mayroon tayong mga health workers na naroon mismo sa mga komunidad, sa mga barangay health units, na maaaring makapagbigay ng agarang atensyong medikal at payo bago pa lumala ang mga sintomas ng mga maysakit. Doon din dapat sana nakatuon ang suporta ng pamahalaan upang mas mabisa silang makatugon sa mga nangangailangan ng atensyong medikal bago pa lumala ang kanilang mga sakit at mangailangang dalhin sa ospital.

Sila ang totoong mga frontliners. Sa public health system natin, ang mga ospital ay nasa dulo o panghuling tagapagbigay-lunas sa mga maysakit, kaya nga ang tawag sa kanila ay “tertiaryhealth facilities.  Ang “primary” o pangunahing tagapagbigay-lunas ay ang mga health care facilities sa ating mga barangay na mas malapit at madaling puntahan ng mga tao. Kung ayaw nating dagsain ang mga ospital ng mga maysakit, Covid-19 man ito o iba pang mga sakit, mas mainam kung sa barangay health unit pa lamang ay nalalapatan na sila ng gamot o nabibigyan ng payo kung ano ang dapat gawin upang hindi lumala ang kanilang sakit.

Isang bansang nagawa ito nang napakahusay ay ang Thailand. Ang apat na dekada ng pagpupundar sa primary health care infrastructure at pagtamo ng universal health coverage ay napakinabangan nang husto sa mabilis na pagpuksa ng pagkalat ng Covid-19 sa nasabing bansa.

Sa pagtugon sa isang krisis, napakahalagang ang mga taong pinakamalapit sa mismong nakararanas ng problema ay nagiging bahagi ng solusyon. Maging ang ating Panginoon ay ganito ang naging paraan sa pagbibigay niya ng solusyon sa pagkagutom ng libu-libong mga taong nakikinig sa kanyang pangangaral nang walang mapakain sa kanila ang Kanyang mga disipulo. Matutunghayan natin ito sa Mateo 14:15-18. Iminungkahi ng mga disipulo kay Hesus na pauwiin na lamang sila upang kanya-kanya silang humanap ng makakainan. Subalit ano ang ginawa ni Hesus? Kinuha Niya ang limang pirasong tinapay at dalawang isda mula sa isang batang lalaki, at matapos Siyang makapagpasalamat ay napakain Niya hanggang mabusog ang higit limanlibong tao. Isinasama ng ating Panginoon ang mga nakararanas ng suliranin at ginagamit ang anumang munting kakayahang mayroon sila upang masolusyonan ito nang sama-sama at hindi sa nagkakanya-kanya.

Sa ating pagtugon sa kasalukuyang krisis na dulot ng pandemya, alalahanin nating ang mga taong nagtutulungan ay may magagawa tungkol sa kanilang kalagayan. Kung may sapat na mga health workers sa mga barangay health centers, sapat na mga kagamitan, gamot, at mga materyales na maipamamahagi sa mga tao upang turuan sila kung paano bigyang-lunas ang unang mga sintomas ng Covid-19 at iba pang mga sakit, bago pa lumala ang mga ito, hindi dadagsain ng mga maysakit ang mga ospital. Kailangang bigyan ang mga barangay health centers ng sapat na mga gamit at gamot na maaaring ipamahagi sa mga tao upang sila mismo ay maging kaagapay at katuwang sa kanilang pagpapagaling.

Mga Kapanalig, binibigyang-diin sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan ang prinsipyo ng subsidiarity na nagsasaad na ang anumang kayang gampanan ng isang indibidwal o ng mas mababang antas ng isang organisasyon tulad ng pamahalaan, ay hindi dapat ipagkait sa kanila o agawin ng mga nakatataas.[2]  Lalo pang dapat silang tulungang pagyamanin ang kaya nilang gawin. Ang ganitong pagbibigay-halaga sa kakayanan ng mga tao ay nagpapatunay rin sa angking dignidad ng bawat isa.

Sumainyo ang katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 108,728 total views

 108,728 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 138,951 total views

 138,951 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 165,599 total views

 165,599 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 260,572 total views

 260,572 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 274,572 total views

 274,572 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 108,729 total views

 108,729 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 138,952 total views

 138,952 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 165,600 total views

 165,600 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 260,573 total views

 260,573 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top