Palakasin ang siyensya sa bansa

SHARE THE TRUTH

 140 total views

Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, umabot na sa halos 39 milyong Pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19. Nagsimula na rin ang pagbibigay ng booster dose upang mas palakasin ang kakayanan ng katawan natin laban sa iba pang variants ng virus. Samantala, ilang linggo na ring mababa sa isang libo ang bilang ng mga bagong kaso ng mga nag-positive, at ang active cases natin ngayon ay maikukumpara sa naitala noong mga unang buwan ng pandemya.  Ayon sa Department of the Interior and Local Government (o DILG), nakamit na ng 23 siyudad ang tinatawag na herd immunity kung saan 70% ng target na populasyon ang fully vaccinated na. Ito ang itinuturong dahilan kung bakit pababa ang bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19 na hudyat naman ng pagluluwag ng mga restrictions at pagpayag na lumabas ang mas marami sa atin.

Kung inyong matatandaan noong nagsisimula ang pagdami ng mga kaso ng mga nagpopositibo, malakas din ang panawagan upang mabilis na bakunahan ang mga Pilipino upang hindi na lumala pa ang sitwasyon. Ngunit hindi iyon naisagawa ng ating pamahalaan dahil na rin sa kakulangan ng suplay ng bakuna sa buong mundo. Inuna rin ng mayayamang bansa ang kani-kanilang mga mamamayan sa mga prayoridad nilang bigyan ng bakuna, kaya naantala ang paghahatid ng bakuna sa mga maliliit at mahihirap na bansang katulad natin.

Ang equitable distribution o patas na access ng mga bansa sa mga bakuna ang matagal nang binibigyang-diin ni Pope Francis. Sa kanyang mensahe noong Pasko ng nakaraang taon, hiniling ng Santo Papa sa mga lider ng mga bansang magtulungan sa pamamahagi ng bakuna at bigyang prayoridad ang mga mamamayang isinasantabi at iniiwan sa kani-kanilang bansa. Sa ganitong paraan, tunay na maitataguyod ang dignidad ng tao at naisasabuhay ang pagkiling sa mahihirap, mga batayang prinsipyo sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan.

Marami naman tayong natanggap na donasyong bakuna mula sa ibang bansa sa pamamagitan ng COVAX facility ng World Health Organization (o WHO). Ngunit mas marami ang bakunang binili ng pamahalaan, at malaki ang ginastos natin para sa mga ito. Ang ipinagmamalaking dalawang milyong doses na donasyon ng pamahalaan mula sa China ay kakatiting lamang kung ikukumpara sa 52 milyong doses na binili natin.

At alam ba ninyong tanging ang Pilipinas lamang sa buong Asya ang bansang hindi nagpo-produce ng bakuna para sa sarili nitong populasyon? Ayon iyan sa Balik Scientist ng Department of Science and Technology (o DOST). Malaki sana ang matitipid natin kung sa mismong bansa natin ginagawa ang mga bakuna, hindi lamang para sa COVID-19 kundi para sa iba pang sakit na maaaring maiwasan. Magbibigay din ito ng suporta sa mga Pilipinong dalubhasa at siyentipiko upang linangin ang kanilang kaalaman sa sarili nilang bayan para sa kapakinabangan ng kanilang mga kababayan. Kaya naman, itatatag ng ating pamahalaan ang Virology Science and Technology Institute of the Philippines na magsisilbing research facility kung saan tututukan ang iba’t ibang virus at ang mga sakit na dala ng mga ito upang makalikha ng angkop na bakuna. Magandang balita ito at sana ay mabigyan ito ng sapat na suporta ng pamahalaan.

Mga Kapanalig, hindi pa natin nakikita ang pagtatapos ng pandemya, at tiyak na may mga susulpot pang mga sakit sa mga susunod na panahon. Kaya marapat lamang na palakasin natin ang larangan ng siyensya sa ating bansa kung gusto nating tunay na maging matatag sa harap ng mga krisis pangkalusugan. At mahalagang nabibigyan ng pagkakataon ang ating mga mahuhusay na siyentipikong linangin ang kaalamang ayon nga sa Mga Kawikaan 2:6 ay bumubukal sa karunungang kaloob ni Yahweh.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 61,852 total views

 61,852 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 65,831 total views

 65,831 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 76,723 total views

 76,723 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 89,165 total views

 89,165 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 99,927 total views

 99,927 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 61,853 total views

 61,853 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 65,832 total views

 65,832 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 76,724 total views

 76,724 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 89,166 total views

 89,166 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 99,928 total views

 99,928 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pangangalaga sa Bata para sa Kinabukasan ng Bansa

 51,362 total views

 51,362 total views Kung nais mo makita ang kinabukasan ng bansa, kapanalig, tingnan mo na lamang kung paano natin inaalagaan ang mga bata. Ito ang magtatakda ng direksyon ng ating bayan sa darating na panahon. Ang mga bata ay kayamanan ng bawat lipunan. Sila ang magmamana at magpapatuloy ng ating mga adhikain at mithiin. Ipapasa natin

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Alagaan ang mental health ng mga estudyante

 50,907 total views

 50,907 total views Mga Kapanalig, sa pagtutok natin sa kalusugan ng mga bata at kabataan, nabibigyang-pansin din ba ang kalusugan ng kanilang pag-iisip o mental health? Kung ang sagot ninyo ay “hindi,” mukhang kailangan natin itong pansinin. Tumaas daw kasi ang suicide rate sa mga kabataan noong 2023. Ayon sa Unilab Foundation, may 404 na kaso

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition

 53,131 total views

 53,131 total views Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang buwan, ilang beses na inilagay sa yellow at red alert ng National Grid Corporation of the Philippines ang Luzon at Visayas power grids. Ito raw ay dahil sa pagpalya ng ilang power plants at hindi sapat na suplay ng kuryente na nagdulot ng power interruptions at pagtaas ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Patuloy na panawagan para sa katarungan

 46,631 total views

 46,631 total views Mga Kapanalig, hinatulang guilty ng Caloocan Regional Trial Court ang apat na pulis mula Caloocan City sa salang homicide kaugnay ng pagkamatay noong 2016 nina Luis Bonifacio at kanyang anak na si Gabriel, 19 anyos, sa isang operasyon sa ilalim ng war on drugs ni dating Pangulong Duterte.  Kuwento ng misis ni Luis,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Hamon sa Kabataan

 45,982 total views

 45,982 total views Ang mga bata ay itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Sila ang kinabukasan at pag-asa ng lipunan. Sa Pilipinas, ang karapatan ng mga bata ay pinahahalagahan at pinoprotektahan ng batas. Pero sa kabila nito, marami pa ring bata ang nakararanas ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso, karahasan, at diskriminasyon. Maraming hamon sa

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inequality sa ating Bayan

 51,850 total views

 51,850 total views Ang hindi pagkakapantay-pantay o inequality sa Pilipinas ay isang napakalalim at malawak na isyu. Malaki ang epekto nito sa lipunan, ekonomiya, at pulitika ng bansa. Sa kabila ng mga pagsisikap na ginagawa ng pamahalaan at iba’t ibang sektor upang mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan, nananatiling matindi ang agwat sa pagitan ng mayaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga Katutubo

 55,596 total views

 55,596 total views Kapanalig, ang mga katutubo o indigenous peoples (IPs) ay kapwa natin Pilipino – pero hindi ba’t parang invisible sila sa ating bayan? Ang IPs ay kapatid natin sa kasaysayan, kultura, at pagkakakilanlan. Ang ating mga tradisyon, paniniwala, paraan ng pamumuhay ay ating mata-trace sa kanila. Ang ating common heritage ay nagpapakita ng yaman

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pera, hindi tao, ang mahalaga sa POGO

 61,546 total views

 61,546 total views Mga Kapanalig, sa raid na ginawa sa isa na namang POGO hub kamakailan, naka-recover ang mga awtoridad ng iligal na droga, libu-libong pera, alahas, at torture devices.  Nangyari ito sa POGO hub sa bayan ng Porac sa Pampanga. Nasamsam ng mga tauhan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (o PAOCC) ang mga bagay na

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Proteksyon para sa mga magsasaka

 41,733 total views

 41,733 total views Mga Kapanalig, malapit nang matapos ang pangalawang taon ni Pangulong Bongbong Marcos Jr, pero hinahanap pa rin ng marami sa atin ang pangako niyang gawing ₱20 kada kilo ang presyo ng bigas.  Malapit na raw itong mangyari. Pagsapit daw ng Agosto, inaasahan ng gobyernong bababa sa ₱29 kada kilo ang pinakamababang presyo ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Panagutin ang dapat panagutin

 52,852 total views

 52,852 total views Mga Kapanalig, natatandaan pa ba ninyo ang kontrobersyal na kompanyang Pharmally Pharmaceutical Corporation? Maikling rewind lang po tayo. Noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic, bumili ang gobyerno sa Pharmally ng sandamakmak na medical PPE (o personal protective equipment), katulad ng face masks at face shields. Umabot sa 11.5 bilyong piso ang ibinayad sa naturang

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top