Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Palawakin ang paglilingkod sa kapwa, paalala ni Bishop Mercado

SHARE THE TRUTH

 1,186 total views

Pinaalalahanan ni Parañaque Bishop Jesse Mercado ang pamayanan ng Immaculate Conception Parish, Gatchalian na ipagpatuloy at palawakin ang paglilingkod sa kapwa.

Ito ang mensahe ng obispo kasabay ng pagsara ng Jubilee Door ng simbahan na hudyat ng pagtatapos sa isang taong pagdiriwang sa ika – 25 anibersaryo ng pagkatatag.

Ayon kay Bishop Mercado, nararapat na pag-ibayuhin ang misyon ng simbahan na abutin lalo’t higit ang maralitang sektor ng lipunan na kadalasang naisasantabi.

“As we close our Jubilee Door, let us also become doors to welcome those who seek for God’s love. And, accompanied by Mary, may we always be ready to say yes to God and offer our service to others.” bahagi ng mensahe ni Bishop Mercado.

Ginanap ang pagsara ng porta sancta nitong December 8 sa pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang paglilihi kay Maria – ang patron ng parokya.

Unang tiniyak ng kura paroko na si Fr. Christopher Tejido ang pagpapaigting sa mga programa ng parokya na magpapalago sa pananampalataya kasabay ng paghimok sa kabataan na maging masigasig sa paglilingkod.

Kinilala ng pari ang Rogationist Fathers na unang nangasiwa sa kapilya ng Gatchalian nang halos limang dekada hanggang maitatag na parokya 25 taon ang nakalilipas.

Apela ni Fr. Tejido sa nasasakupang kawan ang pagbubuklod upang mapaigting ang misyon ng simbahan at mailapit ang bawat isa sa kalinga ng Panginoon.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang pagbabalik ng tanim-bala?

 66,015 total views

 66,015 total views Mga Kapanalig, mariing pinabulaanan ng Department of Transportation (o DOTr) ang pagbabalik ng modus na tanim-bala sa ating mga paliparan. Noong nakaraang buwan

Read More »

Ghost students

 73,790 total views

 73,790 total views Mga Kapanalig, aabot sa halos 65 milyong piso ang nabawi ng Department of Education (o DepEd) mula sa mga paaralang sangkot sa iregularidad

Read More »

Pulitikang lumilikha ng hidwaan

 81,970 total views

 81,970 total views Mga Kapanalig, may mga iniidolo ba kayo? Marami sa atin ang may tinitingalang tao dahil sa kanilang mga katangian, ugali, at maging itsura.

Read More »

The Big One

 97,656 total views

 97,656 total views Madalas natin itong naririnig, nababasa, pinag-uusapan, pinaghahandaan “be ready for the big one”. Pero Kapanalig, binibigyan ba natin ng importansiya…nang atensyon, ang babalang

Read More »

ODD-EVEN scheme

 101,599 total views

 101,599 total views Na naman! Ito na lang ba ang alam na paraan ng mga ahensiya ng pamahalaan na nangangasiwa sa transportasyon sa Metro Manila? Epektibo

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top