Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pamilya ng drug surrenderers, sasailalim din sa rehabilitation

SHARE THE TRUTH

 201 total views

Mahalagang kasama sa rehabilitasyon ng ‘drug surrenderers’ ang kanilang pamilya tungo sa pagbabagong buhay.

Ito ang inihayag ni Fr. Luciano Feloni, parish priest ng Our Lady of Lourdes Parish ng Diocese of Novaliches na unang naglunsad ng community based rehabilitation sa mga drug dependent bilang tulong sa dumaraming bilang ng mga sumusukong gumagamit ng ilegal na droga sa kanilang lugar.

“Very important yung support ng buong komunidad. Dito mararamdaman nila na hindi sila ostracized. Yung community ay kasama sa paghilom sa proseso. Yung family is very important kaya may program din tayo para sa pamilya yung tinatawag na mga co-dependent, mga kasama niya maaring ang asawa, anak o magulang na nagtiis ng presensya ng adik sa kanilang tahanan,” ayon kay Fr. Feloni.

Sa inilunsad na programa, mula sa 46 na sumuko ay 18 ang maari nang ipaloob sa community based rehabilitation ng diyosesis at kasalukuyan nang sumasailalim sa formation kasama ang mga church volunteers para sa counseling.

Sa pinakahuling ulat ng Philippine National Police, may 700 libong drug surrenderers ang naitala ng pulisya mula sa higit 3 milyong bilang ng sinasabing sangkot sa ilegal na droga.

Paglilinaw pa ni Fr. Feloni, may apat na stages ang pagiging addict na siyang sinusuri ng Department of Health at tanging ang nasa stage 1 and 2 lamang ang maaring ilagay sa community based rehabilitation habang ang ilan ay kinakailangan ng in house treatment hanggang sa kanilang paggaling.

Sinabi pa ng pari na ang programa ng Pangulong Rodrigo Duterte ay ang putulin ang supply ng droga sa bansa at ang maitutulong naman ng simbahan ay ang demand para sa rehabilitation ng mga nalulong sa droga.

“ They (government) try to stop yung supply ng droga. Ang aspeto kung saan tutulong ang tingin ko yung simbahan is yung sa demand, paano mare-rehab kasi otherwise hahanap sila ng alternatibong droga. If you are addicted at hindi ka narehab, hahanap ka ng kapalit doon,” dagdag pa ni Fr. Feloni.

Sinimulan na rin ngayong araw ng San Roque de Manila Parish sa Blumentritt, Manila ang community based rehabilitation makaraang may 40 drug dependents ang sumuko sa simbahan, ayon kay Fr. Tony Navarrete parish priest ng simbahan.

Ang Caritas Restorative Justice Ministry kasama ang ilang institusyon ng simbahan ay naghanda ng programa na tutugon sa rehabilitasyon ng mga drug dependents, maging sa kanilang pamilya kasama na rito ang livelihood program.

Nanindigan ang simbahan laban sa nagaganap na pagpaslang o ang extra judicial killings na naitala na sa higit 2 libo sa mga hinihinalang drug addicts at pushers sa halip ay ang paglalatag ng programa para sagipin ang mga naliligaw ng landas.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bukal ng tubig, bukal ng buhay

 2,197 total views

 2,197 total views Mga Kapanalig, ramdam na ramdam natin ang tindi ng summer heat! Kapag summer, talagang masarap maligo at uminom ng pampalamig, mapawi lang ang

Read More »

Mga hakbang pagkatapos ng halalan

 14,939 total views

 14,939 total views Mga Kapanalig, isang halalan na naman ang nairaos natin. Ikinatuwa o ikinadismaya man natin ang resulta, paano kaya tayo maaaring umusad pagkatapos nito?

Read More »

May magagawa tayo

 34,863 total views

 34,863 total views Mga Kapanalig, Eleksyon 2025 na! Ayon sa Republic Act No. 7166, dapat isagawa ang isang halalan bawat tatlong taon. Ang partikular na eleksyon

Read More »

Transport Reforms

 40,877 total views

 40,877 total views Kapanalig, hindi pa natatapos ang problema sa road rage… nadagdag na naman ang magkasunod na deadly road tragedies. Sa mga kaso ng road

Read More »

Functional Literacy Crisis

 49,185 total views

 49,185 total views Nakakabahala ito Kapanalig, nahaharap ang Pilipinas sa kasalukuyan sa “Functional literacy crisis”. Hindi katanggap-tanggap sa isang magulang na napabilang ang kanyang anak sa

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 103,469 total views

 103,469 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top