159 total views
Hinimok ni Diocese of Balanga Bishop Ruperto Santos – Chairman ng CBCP Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang mamamayan na ipanalangin ang mga naapektuhan at nasawi sa dalawang magkasunod na lindol sa Kumamoto, Japan.
Ayon sa Obispo sa panahon ng kalamidad, walang ibang maaasahan ang tao kundi ang Panginoong mayaman sa awa at habag.
Dagdag pa ni Bp Santos, tanging sa Panginoon lamang natin dapat idepende ang ating buhay dahil ang Diyos lamang ang makapagpapakalma sa kalikasan.
“With this calamity, we have to turn to God more, rely on Him and trust. To God we must depend and place our lives in His saving palm and plans. It is only God who can pacify nature as Jesus commanded the seas “be calm” and they were. Let us pray more and beg Him let peace reign on earth, and make us safe and secure on our earthly pilgrimage. We pray that those who suffered with the earthquake can rebuild their lives, not lose hope and continue to trust God. We pray for the victims that they have eternal rest.” Pahayag ni Bp Santos sa Radyo Veritas.
Isang halimbawa ayon sa Obispo ang nasasaad sa bibliya sa ebanghelyo ni Marcos kapitulo apat mula bersikulo 35 hanggang 41 kung saan pinakalma ng Panginoong Hesus ang nagngangalit na bagyo sa gitna ng karagatan.
Sinabi rin din ni Bp Santos sa bawat isa na manalangin at hilingin na mamamayani sa bawat sulok ng daigdig ang kapayapaan.
Samantala sa huling ulat ng Kumamoto Prefecture’s disaster management office matapos tumama ang magnitude 6.2 at magnitude 7.3 na lindol, nakapagtala na ng mahigit 40 taong nasawi habang daan-daan naman ang sugatan.
Sa kasalukuyan patuloy na naghahanap ng survivors ang may 30,000 rescuers, habang nananatilipa rin sa mga evacuation centers ang libu-libong residente dahil sa takot sa mga aftershocks.