182 total views
Ito ang nilinaw ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo – Chairman ng CBCP – Episcopal Commission on the Laity sa inilabas na resulta ng Veritas Truth Survey kaugnay sa mga kandidatong nagtataglay ng katangian ng isang tunay na Lingkod Bayan.
Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo na layunin ng isinagawang pagsusuri ng Radio Veritas na tulungan ang mga botante sa pagkakaroon ng mga pamantayang nararapat isa-alang-alang sa pagpili ng mga bagong lider ng bayan.
“Sa atin naman ano bang katangian nila as Servant Leader so isang aspekto ito na hinihiling namin sa mga tao na isaalang- alang kapag sila ay bumoto, this is not the only one, isa ito sa maraming mga aspekto na dapat titingnan natin kaya ito yung kontribusyon ng Radio Veritas na matulungan yung mga tao sa wise decision, sabi natin One Good Vote, isa lang ang boto mo sana maayos ang maging boto mo at kaya tinutulungan natin ang mga tao na maiayos nila ang boto nila, so yan po yung dahilan ng pag-si-survey na ito, so ito ay hindi endorsement ng Simbahan para sa kanila, ngunit ito ay tulong ng Simbahan sa mga tao…” pahayag ni Bishop Pabillo.
Binigyang diin rin ni Bishop Pabillo na hindi kumakatawan sa posisyon ng buong Simbahan ang resulta ng pag-aaral sapagkat tanging ang mga ordinaryong mamamayan ang lumahok sa survey at hindi mga taong Simbahan.
“Gusto kong ipaabot na ito po ay hindi ranking ng Simbahan, ang tinanung ay hindi taong Simbahan, ang tinanung ay hindi mga pari o mga madre, ang tinanung ay mga ordinaryong mga tao ayun sa kanilang perception kaya hindi po ito isang survey na isinusulong ng Simbahan na ito ang botohin niyo, ito ay ginawa sa atin ng Veritas upang matulungan ang mga tao na tingnan ito ng mga kandidato sa iba’t ibang aspect..” dagdag pa ni Bishop Pabillo.
Bukod dito, nilinaw rin ng Obispo na ang mga katangiang ginamit sa isinagawang Veritas Truth Survey ay internationally recognized Servant Leadership Characteristics at hindi gawa-gawa lamang.
Samantala, batay sa Commission on Election Resolution No. 10002, mayroong 18,083 posisyon ang bukas para sa panunungkulan at pamumuno ng mga bagong lider na maihahalal ngayong darating na May 9 – National at Local Elections, kabilang na ang posisyon sa pagkapangulo, pangalawang pangulo, 12 senador, 59 na partylist representatives at higit 18-libong posisyon sa lokal na pamahalaan.