Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panalangin ng Pag-asa at katatagan sa gitna ng unos

SHARE THE TRUTH

 9,913 total views

Hinihiling ni Bayombong Bishop Jose Elmer Mangalinao na higit pang lumalim ang pananampalataya at pag-asa ng sambayanang Pilipino sa pagharap sa hamong dala ng mga sakuna.

Dalangin ni Bishop Mangalinao ang katatagan at kaligtasan ng lahat upang makabangon muli sa mga nararanasang pagsubok, at patuloy na magtiwala sa kalooban ng Diyos na Siyang magbibigay-lakas at magliligtas sa kabila ng mga panganib.

Panalangin ng Pag-asa at Katatagan sa Gitna ng Unos

O Mahal naming Ama,
patuloy kaming naninikluhod sa Inyong mapagmahal na kalooban.

Bigyan Mo po kami ng malalim na pananalig sa Iyong pagmamahal.

Habang ang mga mapinsalang bagýo ay dumaraan sa aming bansa,
mas maging matatag nawa ang aming paniniwala.

Habang kami ay nasasaktan sa hampas ng malalakas na hangin at ulan,
maging mas mahigpit nawa ang aming paghawak sa Iyong nagliligtas na mga kamay.

Habang ang kapaligiran ay napupuno ng bahá,
mas lumutang nawa ang aming pag-asa sa Iyong kakayahang maibangon muli
ang aming buhay at kabuhayan.

Panginoon, sa Iyo kami umaasa;
sa Iyo kami nananalig;
sa Iyo kami kumukuha ng lakas;
sa Iyo kami nabubuhay.

Ama, magmadali po Kayo sa pagtulong sa amin!

Amen!

MOST REV. JOSE ELMER I. MANGALINAO, D.D.
Bishop, Diocese of Bayombong

Samantala, ibinahagi ni Bayombong Diocesan Social Action Center (DSAC) Director, Fr. Christian Dumangeng, na patuloy ang pagtulong ng diyosesis sa mga nasalanta ng nagdaang Bagyong Nika.

Ayon kay Fr. Dumangeng, namahagi ang DSAC ng relief goods sa mga apektadong lugar, lalo na sa lalawigan ng Quirino, na labis na napinsala ng bagyo, gayundin sa ilan bahagi ng Nueva Vizcaya.

Tinatayang nasa halos 1,000 katao mula sa Quirino at Nueva Vizcaya ang nananatili sa mga evacuation centers.

“Nagsagawa po kami ng relief operations sa province ng Quirino, which is part ng Diocese of Bayombong, at ngayon naman to some parts of Nueva Vizcaya. Still recovering pa rin ang mga affected ng Bagyong Nika. Mostly flooding ang dahilan ng kanilang paglikas,” ayon kay Fr. Dumangeng sa panayam ng Radyo Veritas.

Patuloy namang binabantayan ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration PAGASA) ang Bagyong Ofel, na humihina habang kumikilos papalabas ng Philippine Area of Responsibility.

Samantala, itinaas na sa typhoon category ang Bagyong Pepito, na patuloy pang lumalakas habang papalapit sa bansa.

Posible itong umabot sa super typhoon category at inaasahang magla-landfall sa Eastern Bicol o Aurora sa Linggo, kung saan maaaring umabot ang wind warning sa Signal No. 5.

Paalala ng PAGASA na maaari pang magbago ang track forecast ng Bagyong Pepito, kaya’t hinihikayat ang publiko na manatiling nakaantabay sa mga ulat.

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Ang kinse kilometro

 5,281 total views

 5,281 total views Mga Kapanalig, nagsampa ng kaso ang Mercidar Fishing Corporation noong 2023 sa Malabon Regional Trial Court (o RTC) para kuwestuyinin ang pagiging constitutional o sang-ayon sa ating Saligang Batas ang paglalaan ng municipal waters sa mga munisipal at artisanong mangingisda. Hiningi ng korporasyong pahintulutan ang mga commercial fishers na makapangisda sa municipal waters. 

Read More »

Kahalagahan ng fact-checking

 11,729 total views

 11,729 total views Mga Kapanalig, simula ngayong buwan, ititigil na raw ng social media app na Facebook ang kanilang third-party fact-checking program sa Amerika. Ito ang inanunsyo ni Mark Zuckerberg, founder ng Facebook at CEO ng Meta Platforms. Dámay din sa pagbabagong ito ang Instagram at Threads, mga social media apps na hawak din ng Meta.

Read More »

Pandaigdigang kapayapaan

 18,679 total views

 18,679 total views Mga Kapanalig, naniniwala ba kayo sa paniniwalang “lahat ay nadadaan sa mabuting usapan”? Totoong mahalaga ang pag-uusap sa pagkakaroon ng unawaan, pagkakaisa, at kapayapaan, hindi lang sa ugnayan ng mga indibidwal kundi pati ng mga bansa. Noong Enero 11, tinipon ni Pangulong Marcos Jr ang buong diplomatic corps na binubuo ng mga kinatawan

Read More »

Diabolical Proposal

 29,594 total views

 29,594 total views Kapanalig, isa ka ba sa mga sinasabing “over protective, over-imposing parent”? Bilang magulang, ang salita mo ba ay batas na dapat sundin ng iyong mga anak maging ito ay hindi na tama? Well, may nakakatawang solusyon at kasagutan ang Senado sa mga magulang na sobra-sobra at wagas ang higpit.., pakiki-alam sa buhay ng

Read More »

Pagsasayang Ng Pera

 37,328 total views

 37,328 total views Pagwawaldas sa pera ng taong bayan.. dahil sa isang pagkakamali. Kapanalig, 73-milyong balota para sa May 2025 national at local elections ang nasayang…nasayang ang pagod at oras. naimprenta na… mauuwi lamang sa basurahan. Ito ay matapos suspendihin ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-imprenta ng opisyal na balota para sa May 2025 mid-term

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Environment
Michael Añonuevo

Patuloy na pagbibenta ng skin whitening products, binatikos

 228 total views

 228 total views Binatikos ng EcoWaste Coalition ang patuloy na pagbebenta ng mga ilegal na produktong pampaputi at pampaganda ng balat na mapanganib sa kalusugan. Ayon kay EcoWaste national coordinator Aileen Lucero, ang patuloy na paggawa, pag-aangkat, at pagbebenta ng mga nakalalasong produktong may mercury ay nakakabahala at hindi katanggap-tanggap para sa kapakanan at kaligtasan ng

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Simbahan, tinutulan ang panukalang mineral reserve sa Antique

 2,403 total views

 2,403 total views Nagkaisa ang iba’t ibang grupo at simbahan sa lalawigan ng Antique upang mariing tutulan ang planong ideklara ang itaas na bahagi ng mga bayan ng Patnongon, San Remigio, Valderrama at Sibalom bilang mineral reservation. Sa ipinadalang position paper kay Mines and Geosciences Bureau (MGB) Region VI Director Cecilia Ochavo-Saycon, ipinaliwanag ng grupo ang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Katatagan ng mga biktima ng wild fire sa California, ipinagdarasal ni Bishop Santos

 3,039 total views

 3,039 total views Ipinapanalangin ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang katatagan ng mga biktima ng nangyayaring wildfire sa Southern California sa America. Hiling ni Bishop Santos, na siya ring rektor at kura paroko ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage o Antipolo Cathedral, na patnubayan nawa ng Panginoon ang mga lubhang naapektuhan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Borongan, nagdadalamhati sa pagpanaw ng Paring anti-mining advocate

 2,970 total views

 2,970 total views Nagdadalamhati ang Diyosesis ng Borongan sa pagpanaw ni Fr. Alejandro “Alex” Galo, na kilala sa paninindigan laban sa operasyon ng pagmimina sa Eastern Samar. Batay sa paunang ulat ng pulisya, ang 66 taong gulang na pari ay sakay ng kanyang motorsiklo nang mabangga ng paparating na sasakyan bandang alas-8 ng umaga, nitong Miyerkules

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Paggamit ng single use plastic na banderitas, binatikos ng ECOWASTE

 3,877 total views

 3,877 total views Muling binatikos ng EcoWaste Coalition ang patuloy na paggamit ng ‘plastic labo’ at iba pang single-use plastic materials bilang banderitas sa pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño. Ito’y matapos mamataan ng grupo ang mga lansangan sa Tondo at Pandacan sa Maynila na puno ng banderitas na nilikha gamit ang mga bagong plastic “labo,”

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Nakiisa sa 1st Marian International festival, pinasalamatan ng Diocese of Antipolo

 3,811 total views

 3,811 total views Nagpapasalamat ang pamunuan ng International Shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage sa mga nakibahagi sa kauna-unahang Marian International Festival bilang pagpapalaganap ng debosyon sa Mahal na Birheng Maria. Ayon kay Antipolo Bishop Ruperto Santos, rektor at kura paroko ng dambana, layunin ng festival na higit na maipakilala at maipaunawa sa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mga taong may pananalig sa Diyos, hindi naninira at nananakit ng kapwa- Cardinal Tagle

 3,871 total views

 3,871 total views Ipinaalala ng opisyal ng Vatican sa mananampalataya na ang mga taong may pananalig sa Diyos ay hindi kailanman maninira at mananakit ng kapwa. Ito ang pagninilay ng Kanyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle, Pro-Prefect ng Vatican Dicastery for Evangelization, sa banal na misa para sa pagtatapos ng kauna-unahang Marian International Festival sa International

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Malinis na Nazareno 2025, panawagan ng ECOWASTE

 6,523 total views

 6,523 total views Hinihikayat ng EcoWaste Coalition ang mga deboto ng Jesus Nazareno na ipahayag ang pananampalataya sa pamamagitan ng malinis na pagdiriwang ng Nazareno 2025. Ayon kay EcoWaste Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino, ang pakikibahagi ng milyon-milyong deboto sa pagsusulong ng kalinisan ay makatutulong upang mabawasan ang malilikhang basura, lalo na sa Quirino Grandstand para

Read More »
Health
Michael Añonuevo

COVID-19 pandemic, inalala ng WHO

 9,363 total views

 9,363 total views Inalala ng World Health Organization (WHO) ang mga nabago at nawalang buhay dulot ng paglaganap ng nakahahawang at nakamamatay na coronavirus disease o COVID-19, limang taon na ang nakalilipas. Ibinahagi ng WHO na sa pagsisimula ng 2020, agad na kumilos ang ahensya upang maglabas ng mga paalala para sa mga bansa, at tinipon

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Mamamayan, binalaan ng DOH sa bagong respiratory outbreak sa China

 9,424 total views

 9,424 total views Pinaalalahanan ng Department of Health ang publiko hinggil sa mga kumakalat na balita sa social media hinggil sa panibagong ‘international health concern’ na posibleng maging katulad ng pandemyang coronavirus disease o COVID-19. Kaugnay ito sa Human Metapneumovirus (HMPV) na dahilan ng kasalukuyang respiratory outbreak sa China, na maaaring magdulot ng mild cold-like symptoms

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Let us work together as pilgrims of hope, panawagan ng Caritas Philippines

 8,301 total views

 8,301 total views Hinikayat ng social at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mamamayan na patuloy na magtulungan upang maihatid ang pag-asa sa kapwa kasabay ng pagdiriwang ng simbahan sa 2025 Jubilee Year. Sa mensahe ni Caritas Philippines President, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, na ngayong Taon ng Hubileyo na may temang

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Kaparian sa Diocese ng Tandag, pinuri ng Obispo

 10,448 total views

 10,448 total views Nagpapasalamat si Tandag Bishop Raul Dael sa mga pari ng Diyosesis ng Tandag na walang kapagurang ginagampanan ang misyong maipahayag ang Mabuting Balita ng Diyos sa mananampalataya. Sa kanyang mensahe, pinuri ni Bishop Dael ang dedikasyon ng mga pari, lalo na sa paglilingkod nitong mga nagdaang araw sa pagdiriwang ng Simbang Gabi, Misa

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Prelatura ng Isabela de Basilan, humiling ng panalangin para kay Bishop Dalmao

 10,524 total views

 10,524 total views Umaapela ng panalangin ang Prelatura ng Isabela de Basilan para sa agarang paggaling ni Bishop Leo Dalmao. Ayon kay Vicar General, Fr. Rodel Angeles, isinugod sa ospital si Bishop Dalmao matapos sumama ang pakiramdam habang ipinagdiriwang ang Midnight Mass noong December 24 sa Sta. Isabel de Portugal Cathedral sa Isabela City. Mula Isabela

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Yakapin ang liwanag ni Hesus, paalala ng Caritas Philippines sa mamamayan

 13,389 total views

 13,389 total views Nagpapasalamat ang social, advocacy, at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines sa mga naging bahagi sa misyon ng pagtulong sa kapwa ngayong taon. Sa Christmas message ni Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, binigyang-diin nitong ang Pasko ng Pagsilang ng Panginoon ay nagpapaalala sa bawat isa ng walang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Pangangailangan ng mga apektado ng Mt.Kanlaon eruption, tinutugunan ng ONE Negros Social Action

 19,723 total views

 19,723 total views Patuloy ang pagkilos ng ONE Negros Social Action Network Sub-Cluster Humanitarian Team upang tugunan ang pangangailangan ng mga apektadong residente dulot ng pagsabog ng Bulkang Kanlaon sa Negros Occidental at Negros Oriental. Ang ONE Negros ay binubuo ng apat na diyosesis mula sa dalawang lalawigan: ang mga Diyosesis ng San Carlos, Kabankalan, Bacolod,

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top