Pagkakataon na makapag-aral sa EUROPA, inaalok ng EU

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 22,919 total views

Tiniyak ng European Union ang pagpapaigting sa mga programang makatutulong sa mga Pilipino tulad ng edukasyon.

Umaasa si Dr. Ana Isabel Sánchez-Ruiz, Deputy Head of Delegation ng European Union Delegation to the Philippines na mas maraming Pilipino lalo na ang mga kabataan na makinabang sa Erasmus Mundus na isang programa ng EU.

“The idea of Erasmus is to allow everyone who has an interest to be able to study to pursue their dreams, I hope Filipinos explore Erasmus because we are trying to get more Filipino applicants,” pahayag ni Ruiz sa Radio Veritas.

Binigyang diin ng EU official na suportado ng EU ang lahat ng gastusin ng mga kwalipikadong estudyante upang matiyak na matustusan ang mga pangangailangan habang nag-aaral.

Muling inaanyayahan ni Ruiz ang mga academicians, estudyante, at mga mananaliksik sa isasagawang European Higher Education Fair (EHEF) 2024 na layong itaguyod ang student mobility at pagpapaigting ng academic excellence.

Isasagawa ito sa November 22 at 23 sa Robinsons Galleria, Ortigas habang ang online session naman sa pamamagitan ng Zoom sa November 25.

Layunin ng EHEF na magkaroon ng direktang ugnayan ang mga Pilipinong nagnanais makapag-aral sa nangngunang unibersidad sa Europa para sa mas malawak na oportunidad.

Sinabi ni EU Ambassador Massimo Santoro na ito ang isa sa mga paraan ng pagpapalakas ng ugnayan ng Pilipinas at EU member states.

“The European Higher Education Fair reflects the EU’s commitment to providing an immersive platform to explore a diverse array of opportunities, resources, and insights for Filipino students interested in pursuing their higher education in the European Union,” ani Santoro.

Tampok sa EHEF ngayong taon ang 77 higher education institutions at diplomatic missions mula sa mga bansang Belgium, The Czech Republic, Denmark, Spain, France, Germany, Ireland, Italy, Hungary, The Netherlands, Austria, Poland, Finland, Sweden at g European Union.

Katuwang ng EU sa pagsasagawa ng taunang EHEF ang EU Member States Embassies, educations institutions sa bansa at ang Commission on Higher Education.

Kabilang naman sa Regional Hubs ng 2024 EHEF ang University of Santo Tomas (Metro Manila), Wesleyan University (Luzon), and Xavier University – Ateneo de Cagayan (Mindanao); and University Partners Ateneo de Manila University – European Studies Programme, De La Salle University, Enderun College, Holy Cross of Davao College, Lyceum Philippines University – Cavite, Mabalacat City College at World Citi College.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 23,961 total views

 23,961 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 52,312 total views

 52,312 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 120,042 total views

 120,042 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 143,193 total views

 143,193 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 211,633 total views

 211,633 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top