Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Obispo, ipinag-utos na buksan ang lahat ng simbahan sa Sorsogon sa evacuees

SHARE THE TRUTH

 9,861 total views

Obispo, ipinag-utos na buksan ang lahat ng simbahan sa Sorsogon sa evacuees

Ipinag-utos ni Sorsogon Bishop Jose Alan Dialogo na buksan ang lahat ng mga simbahan sa diyosesis bilang pansamantalang matutuluyan ng mga magsisilikas dulot ng banta ng Typhoon Pepito.

Ayon kay Caritas Sorsogon executive director, Fr. Ruel Lasay, layunin nitong matiyak ang kaligtasan ng mga pamilyang lumikas mula sa mga lugar na delikado sa pagguho ng lupa at pagbaha.

Bukod dito, nakahanda na rin ang 1,500 prepositioned goods na ipapamahagi ng social arm ng Diyosesis ng Sorsogon sa mga apektadong pamilya.

“Ang lahat ng simbahan dito sa Sorsogon ay pinabuksan ng ating mahal na obispo para sa ganoon ma-welcome natin ang mga higit na nangangailangan. At dahil doon, patuloy kaming nagsisikap na matugunan ang pangagailangan ng ating mga kababayan lalo na ang mga masasalanta at maapektuhan nitong bagyong ito,” pahayag ni Fr. Lasay sa panayam ng Radyo Veritas.

Ibinahagi rin ng pari na kahapon ay pinangunahan ni Bishop Dialogo ang pagpupulong kasama ang mga kura paroko at kinatawan ng lahat ng mga parokya upang pag-usapan at paghandaan ang posibleng epekto ng Bagyong Pepito.

Matapos ang pagpupulong, naglabas ng liham sirkular ang diyosesis na nananawagan ng pagtutulungan at pagkakaisa sa pagharap sa hamon ng kalikasan.

Hinikayat din ni Fr. Lasay ang lahat na manalangin para sa kaligtasan ng bawat isa, at magbahagi ng donasyon bilang karagdagang suporta sa pagtugon sa pangangailangan ng mga apektadong pamilya.

“Humihingi po kami sa inyo ng panalangin, at kung mayroon din po kayong maitutulong—in-kind or in-cash donations—bukas po ang aming Caritas Sorsogon Foundation,” ayon kay Fr. Lasay.

Kabilang ang Diyosesis ng Sorsogon sa mga lubhang naapektuhan ng Bagyong Kristine noong Oktubre, at ngayon nama’y pinaghahandaan ang banta ng Bagyong Pepito na inaasahang lalakas pa sa super typhoon category.

Sa nakalipas na apat na linggo, limang bagyo ang dumaan sa bansa at nagdulot ng pinsala, kabilang ang Bagyong Kristine, Leon, Marce, Nika, at Ofel, habang inaasahan naman ang epekto ng ikaanim na bagyo, ang Pepito.

ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Karapatang pantao tungo sa kabutihang panlahat

 7,010 total views

 7,010 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang ngayong araw ang Human Rights Day, na may temang “Our rights, our future, right now”. Sa kanyang mensahe para sa araw na ito, binigyang-diin ng Human Rights Chief ng United Nations (o UN) na si Volker Türk ang papel ng mga karapatang pantao sa pagtataguyod ng kabutihan sa mundo. Magandang

Read More »

Pueblo Amante de Maria

 15,720 total views

 15,720 total views Mga Kapanalig, ipinagdiriwang natin ngayon ang Dakilang Kapistahan ng Kalinis-linisang Paglilihi ng Mahal na Birheng Maria o Immaculate Conception. Ang Birheng Maria ang pangunahing patrona ng ating bansa. Itinalaga ni Pope Pius XII ang Immaculate Conception bilang principal patroness ng Pilipinas noong taong 1942. Ngayong 2024 naman ang ika-170 taóng anibersaryo ng pagkakatatag

Read More »

POGO’s

 24,479 total views

 24,479 total views TOTAL shutdown of Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), ito ay bahagi ng 2024 State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang POGO ay parang kabute na nagsusulputan sa iba’t-ibang bahagi ng bansa para i-cater ang mga Chinese gambler.. Bukod sa online gambling, pinasok na rin ng POGO ang financial

Read More »

Culture Of Waste

 32,872 total views

 32,872 total views Isa ang Pilipinas sa mga 3rd world countries o mga bansang mataas ang poverty rate., Batay sa 2024 Global Hunger Index (GHI), 67 ang rank ng Pilipinas mula sa 127-bansang may mataas na hunger rate. Sa survey ng Social Weather Station (SWS) sa unang quarter ng taong 2024, natuklasan na 14.2-percent o 3.5-milyon

Read More »

Trustworthy

 40,889 total views

 40,889 total views Servant leader (mabuting katiwala) mapagkakatiwalaan, maaasahan…Ang totoong public servant ay nararapat TRUSTWORTHY., walang bahid ang pagkatao;incorruptible, …mabuting katiwala ng mamamayan sa pagpapadaloy ng serbisyong publiko. Umiiral pa ba ang katangiang ito sa kasalukuyang mga kawani, opisyal ng mga ahensiya ng pamahalaan at mga halal na opisyal? Kapanalig, aminin man natin o hindi.., bahagi

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Disaster News
Michael Añonuevo

2,310 Mt. Kanlaon evacuees, kinakalinga ng St.Vincent Ferrer Parish Shrine

 212 total views

 212 total views Kabuuang 2,310 indibidwal o 662 pamilya mula Barangay Mansalanao ang kasalukuyang nanunuluyan sa Saint Vincent Ferrer Parish-Shrine sa La Castellana, Negros Occidental ng Diyosesis ng Kabankalan, matapos ang pagsabog ng bulkang Kanlaon kahapon. Ayon kay Parochial Vicar, Fr. Romel “Boyet” Enar, ang mga evacuee ay pansamantalang nakatira sa St. Vincent’s High School, kung

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Ipagdasal ang kaligtasan ng mamamayan sa pagsabog ng bulkang Kanlaon, panawagan ng Obispo

 290 total views

 290 total views Nananawagan ng panalangin si San Carlos Bishop Gerardo Alminaza kaugnay sa pagsabog ng Bulkang Kanlaon na matatagpuan sa isla ng Negros Occidental at Oriental. Dalangin ni Bishop Alminaza ang kaligtasan ng mga Negrense na nakatira malapit sa bulkan, lalo na ang mga nasa 4 to 6-kilometer permanent danger zone (PDZ). Patuloy naman ang

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mananampalataya, hinimok ni Cardinal Advincula na makibahagi sa paghahanda sa 2025 Jubilee Year

 290 total views

 290 total views Hinikayat ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mananampalataya na sama-samang paghandaan ngayong Adbiyento ang Pasko ng pagsilang ng Panginoon at ang Ordinary Jubilee Year sa susunod na taon. Sa liham sirkular, sinabi ni Cardinal Advincula na magandang pagkakataon ang Adbiyento upang ihanda ang mga sarili sa pagdiriwang ng Banal na Taon na

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Pagtalaga ni Pope Francis kay Cardinal David, pagsuporta sa pagsusulong ng simbahan ng katarungan

 556 total views

 556 total views Nagpaabot ng pagbati at pananalangin ang social, development, at advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines kay bagong Filipino Cardinal, Kalookan Bishop Pablo Virgilio Cardinal David. Ayon kay Caritas Philippines president, Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo, ang pagkakatalaga ni Pope Francis kay Cardinal David ay hindi lamang pagkilala sa kanyang personal

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Mamamayan, binalaan ni Bishop Santos

 4,079 total views

 4,079 total views Nagbabala si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa publiko laban sa mga mapagsamantala na ginagamit ang kanyang pangalan para makapanlinlang ng kapwa. Ito’y matapos mapag-alaman ng obispo na may kumakalat na pekeng Facebook account gamit ang pangalang “Roperto Cruz Santos,” na humihingi ng donasyon para sa mga nasalanta ng mga nagdaang kalamidad sa Bicol

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Mining moratorium, panawagan ng dalawang Apostoliko Bikaryato ng Palawan

 5,777 total views

 5,777 total views Nananawagan ang dalawang Apostoliko Bikaryato sa Palawan para sa pagpapatupad ng mining moratorium upang mapangalagaan ang lalawigan bilang ‘last ecological frontier’ ng Pilipinas. Sa pinagsamang liham pastoral, inihayag nina Puerto Princesa Bishop Socrates Mesiona, Taytay Bishop Broderick Pabillo, at Taytay Bishop-emeritus Edgardo Juanich ang matinding pagtutol sa pagmimina, na nagdudulot ng labis na

Read More »
Latest News
Michael Añonuevo

Makialam sa krisis pulitika, apela ng LAIKO sa mamamayan

 6,021 total views

 6,021 total views Hinimok ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity ang sambayanang Pilipino na makialam at kumilos sa gitna ng kasalukuyang krisis sa pulitika ng bansa. Ayon sa Sangguniang Laiko ng Pilipinas (LAIKO), ang lumalalang tensyong dulot ng akusasyon, pagbabanta, at personal na alitan sa pagitan

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nakikiisa sa Red Wednesday

 5,232 total views

 5,232 total views Makikiisa ang Diocese of Imus sa taunang paggunita ng Red Wednesday bilang bahagi ng pananalangin at pagsuporta sa mga Kristiyanong nakakaranas ng karahasan at pang-uusig dahil sa kanilang pananampalataya. Sa liham-sirkular, hinihikayat ni Imus Bishop Reynaldo Evangelista ang mga parokya, paaralan, institusyon, at pamayanan na makibahagi sa pagdiriwang ng Misa ng Pagsamo para

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Plastic treaty, panawagan ng LRC

 6,426 total views

 6,426 total views Iginiit ng Legal Rights and Natural Resources Center (LRC) na mahalaga ang pagkakaroon ng bagong plastic treaty upang matugunan ang patuloy na suliranin ng plastic pollution sa buong mundo. Ayon kay Atty. Mai Taqueban, ang executive director ng LRC, ang kakulangan ng ganitong uri ng kasunduan ay maaaring magdulot ng patuloy na pinsala

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Panukalang NCQG sa COP29, tinututulan

 6,873 total views

 6,873 total views Hinikayat ng civil society groups ang pamahalaan ng Pilipinas at iba pang mga developing country mula sa Global South na tanggihan ang mapanganib na kasunduan sa climate finance. Kaugnay ito ng naging talakayan sa 29th United Nations Climate Change Conference of Parties (COP29) Summit na ginanap sa Baku, Azerbaijan, hinggil sa panukalang New

Read More »
Cultural
Michael Añonuevo

Jamie Rivera at Vehnee Saturno, judge sa kauna-unahang Radio Veritas Himig ng Katotohanan Liturgical Song Writing Contest

 7,894 total views

 7,894 total views Isasagawa kasabay ng Kapistahan ni Santa Cecilia, patron ng musika at mga musikero, ang pagtatanghal at pagpaparangal sa finalists ng kauna-unahang Himig ng Katotohanan liturgical song writing contest ng Radio Veritas 846. Gaganapin ito sa Blessed Pier Giorgio Frassati, O.P Building Auditorium ng University of Santo Tomas sa Biyernes, November 22, 2024 mula

Read More »
Economics
Michael Añonuevo

Ipanalangin ang mga kristiyano na dumaranas ng pag-uusig, paalala ni Bishop Santos

 9,537 total views

 9,537 total views Ipanalangin ang mga kristiyano na dumaranas ng pag-uusig, paalala ni Bishop Santos Hinikayat ni Antipolo Bishop Ruperto Santos ang mga mananampalataya na alalahanin at ipanalangin ang mga Kristiyano sa iba’t ibang panig ng mundo na nakakaranas ng pang-uusig at pagdurusa. Ito ang panawagan ni Bishop Santos, na siya ring Episcopal Coordinator for Asia

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Diocese of Bayombong, humiling ng saklolo

 9,739 total views

 9,739 total views Umaapela ng tulong at panalangin ang Diyosesis ng Bayombong matapos manalasa ang Bagyong Pepito sa mga lalawigan ng Nueva Vizcaya at Quirino. Ayon kay Bishop Jose Elmer Mangalinao, hindi pa ganap na nakakabangon ang dalawang lalawigan mula sa mga nagdaang kalamidad sa nakalipas na mga linggo, ngunit muling naranasan ang malawakang pinsala dulot

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Caritas Philippines, nanawagan ng tulong

 9,816 total views

 9,816 total views Nananawagan ng tulong at suporta ang social at humanitarian arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines para sa mga diyosesis na labis na naapektuhan ng Super Typhoon Pepito. Ayon kay Caritas Philippines executive director, Fr. Tito Caluag, mahalaga ang sama-samang pagtutulungan upang maibsan ang mga pasanin ng milyon-milyong pamilyang nasalanta, hindi lamang

Read More »
Environment
Michael Añonuevo

Nasa mga lider ang problema ng bansa-Bishop Alminaza

 9,344 total views

 9,344 total views Binigyang-diin ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang pangangailangan ng bansa para sa mahusay na pamumuno at pagsusulong ng pananagutan upang mapangalagaan ang kapakanan ng sambayanang Pilipino. Ayon kay Caritas Philippines vice president, San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, ang patuloy na suliranin ng bansa ay nakaugat sa hindi mabuwag na

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top