Panalangin para sa kaligtasan ng apat na Filipinong seafarers, hiling ni Bishop Santos

SHARE THE TRUTH

 8,827 total views

Nakikiisa si Antipolo Bishop Ruperto Santos sa mga nangangambang pamilya ng apat na Filipino Seafarers ng Container Ship MSC Aries matapos silang hulihin ng Iranian Forces habang naglalayag sa karagatan ng Hormuz na malapit sa Oman noong April 13.

Ayon sa Obispo na siya ring CBCP-Bishop Promoter ng Stella Maris Philippines, nawa sa kabila ng pagkaipit ng mga Pilipinong mandaragat sa mga katulad ng pangyayari ay makauwi silang ligtas.

Tiwala din si Bishop Santos na tuloy-tuloy ang pakikipag-diyalogo ang pamahalaan ng Pilipinas katulad ng Department of Foreign Affairs at Department of Migrant Workers.

“It is sad news, Like their families we too are worried for their condition, We are so concerned with their safety, In this problematic situation we turn to God for His mercy to keep our four seafarers safe, stable and healthy, We trust our government officials for necessary diplomatic assistance and assurance to exhaust all means to bring them safely home,” mensaheng ipinadala ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Tiniyak din ni Bishop Santos ang pag-aalay ng mga panalangin at misa para sa kaligatasan ng mga Filipino Seafarers kabilang na ang 25-limang crew ng MSC Aries.

Ito ay upang makauwi ng ligtas at mailayo sa anumang kapahamakan ang mga mandaragat na tanging naghahanapbuhay lamang para sa kanilang mga pamilya na naiwan sa kani-kanilang bansa.

“With the prayers and Holy Masses we implore our almighty God to touch the hearts of those who seized the MSC Aries to release them, for respect and promotion of rights and dignity of all MSC Aries crew, and peace may reign at Straight of Hormuz, with our prayers and solidarity with our seafarers and their families,” ayon pa sa mensahe ni Bishop Santos.

Ayon sa datos ng Maritime Industry Authority, aabot sa 400-libo ang bilang ng mga Filipino Seafarers sa ibat-ibang bahagi ng mundo.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BICAM OPEN TO PUBLIC

 12,558 total views

 12,558 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 31,530 total views

 31,530 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 64,195 total views

 64,195 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 69,264 total views

 69,264 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 111,336 total views

 111,336 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top