Panalangin sa mabilis na paggaling ni Pope Francis, hiling ng Papal Nuncio sa mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 755 total reads

Hinikayat ng kinatawan ng Vatican ang mga Filipino nang patuloy na panalangin para sa agarang paggaling ng Santo Papa Francisco.

Si Pope Francis ay nanatiling nasa Gemelli Hospital makaraang operahan noong Linggo dahil sa kaniyang colon diverticulitis at nanatiling nasa pagamutan upang matiyak na walang kumplikasyon.

“He is recovering, thanks be to God. But I want to ask the listeners and the faithful to pray for Pope Francis. Pray for him especially in this time that he needs our prayers,” ayon kay Archbishop Brown.

Sa pinakahuling ulat ng Holy See Press office, patuloy ang pagbuti ng kalagayan ng Santo Papa kung saan pinangunahan din ang pag-usal ng Angelus sa balkonahe ng kaniyang silid sa Gemelli Hospital.

Taong 2019 nang maoperahan ang Santo Papa dahil sa kaniyang katarata, habang ilang ulit na rin hindi nakadalo sa mga gawain sa Vatican dahil naman sa pananakit ng likod at binti dahil naman sa iniindang sciatica.

Patuloy namang nakatatanggap si Pope Francis ng mensahe at panalangin mula sa mga pinuno ng iba’t ibang bansa at mga religious community para sa kaniyang kagalingan at kalakasan.

The Kingdom of God

Si Archbishop Brown ay tuwinang panauhin ng programang Pastoral Visit on-the-air ng Radio Veritas kada buwan na ang hangarin ay higit pang mailapit ang Simbahan sa mga tagapakinig na mananampalataya.

Sa ikatlong pagbisita ni Archbishop Brown sa himpilan ay tinalakay ang tungkol sa ‘Kaharian ng Diyos’ at ang pakikiisa ng sambayanan sa misyon ni Hesus.

Panawagan ni Archbishop Brown sa bawat mananampalataya na patuloy na hangarin ang kabutihan tungo sa kabanalan at ang pagtanggap ng Eukaristiya, lalu’t ang kaharian ng Diyos ay hindi sa lupa kundi kasama sa kanyang kaluwalhatian sa langit.

“The Kingdom of God is within you, that Kingdom of God becomes stronger ang stronger and developing in you. So, it’s a very realistic sense which when we received the Sacraments the Kingdom of God is growing within us,” ayon pa kay Archbishop Brown.

Paliwanag pa ng Arsobispo na ang butil ng pananampalataya ay nasa bawat isa na kinakailangang pagyabungin tungo sa kaligtasan.

Ayon pa kay Archbihop Brown, “And when we come to the end of our lives, physical life at some point, our natural life will be finish. But the spiritual life of the eucharist which you are receiving year in and year out that will preserve us unto life eternal.”

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 14,103 total reads

 14,103 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,173 total reads

 15,173 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 30,626 total reads

 30,626 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 68,003 total reads

 68,003 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 99,273 total reads

 99,273 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 174,568 total reads

 174,568 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 267,312 total reads

 267,312 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 15,174 total reads

 15,174 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »
Scroll to Top