Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Panawagan ng obispo; mga kalat ng eleksyon, linisin na

SHARE THE TRUTH

 196 total views

Hinimok ni Diocese of Marbel South Cotabato Bishop Dinualdo Gutierrez ang mamamayan lalo na ang mga kandidato na simulan ng linisin ang mga ikinalat nitong election paraphernalia.

Ayon sa Obispo, nanalo man o natalo ang mga kandidato, mahalagang ipakita ang tunay na serbisyo-publiko sa pangunguna sa paglilinis sa mga kalat ng eleksyon.

Iginiit naman ni Bp. Gutierez na maging ang Comelec ay kailangang tumulong sa paglilinis ng mga ginamit sa eleksyon at tiyakin ang seguridad ng mga kagamitan nito.

“Be diligent and clean, before election e marami nang mga sample ballots na kumakalat so we should try to clean the environment and yung sa ComElec you should try to get all your equipments and deposit them secure them.” Pahayag ni Bp. Gutierez.

Kaugnay dito, sinimulan na ng Ecowaste Coalition ang post-election clean up ngayong araw sa Project 6 Elementary School, Rd. 2, Cor. Rd. 6, Project 6, Quezon City.

Ayon kay Aileen Lucero, National Coordinator ng grupo, tuwing eleksyon ay pinangungunahan nila ang paglilinis sa mga campaign paraphernalia at tinuturuan ang mga mamamayan kung paano ito muling magagamit.

“Kasi ito ay merong panibagong buhay, yung mga tarpaulins ay pwede natin gawing bag o iba pang mga gamit na may kapakinabangan pa at hindi lamang dalin sa dumpsite, sa landfill o hindi dapat sinusunog.” Pahayag ni Lucero.

Samantala, nais rin ni Lucero na mapaigting ang pagpapatupad sa “No Clean Up, No Proclamation Policy,” dahil aniya, bagamat may inilunsad na programa ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, ay hindi naman ito gaanong napagtutuunan ng pansin at sinusunod lalo na sa local level.

Noong 2010, ayon sa MMDA umabot sa labinlimang truck ng eletion paraphernalia ang kanilang nakolekta.
Nitong Enero 2016, naglunsad ang Department of Environment and Natural Resources kasama ang Department of Interior and Local Government at Commission on Elections ng Basura –Free Election 2016 upang tiyakin ang maayos na pag-dispose sa mga basura.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 29,563 total views

 29,563 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 47,547 total views

 47,547 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 67,484 total views

 67,484 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 84,377 total views

 84,377 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 97,752 total views

 97,752 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 166,527 total views

 166,527 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 110,373 total views

 110,373 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top