Pangangailangan ng mga Residente ng Boracay, Tinutugunan ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 560 total reads

Patuloy na tinutugunan ng Simbahang Katolika ang pangangailangan ng mga residente sa isla ng Boracay na apektado ng anim na buwang pagsasara.

Ayon kay Rev. Fr. Jose Tudd Belandres, ang Parish Priest ng Our Lady of the Most Holy Rosary Parish sa isla ng Boracay, hindi nagpabaya ang Simbahan sa pangangailangan ng mga mananampalataya sa lugar.

Ibinahagi ng Pari na nangunguna ang Caritas Manila at Catholic Bishops Conference of the Philippines National Secretariat for Social Action o CBCP-NASSA sa paghahatid ng tulong lalo na sa mga mag-aaral at kabataan sa lugar.

“Sa simbahan naman po thru the help of CBCP-NASSA po, yung Caritas Manila, gaya ng opening ng school, namigay po tayo ng mga school supply sa lahat ng mga pupils at estudyante. Tapos by July mag-uumpisa na rin yung ating feeding program sa lahat ng mga kindergarten, day care centers.” pahayag ni Fr. Belandres sa Radio Veritas.

Sinabi ng Pari na mahigit sa 2-libong mag-aral ang nabigyan ng School supplies habang higit sa 2 – libo ring mga kabataan ang Benepisyaryo ng feeding program.

Bukod dito, magkakaloob din ng tulong legal ang Simbahan sa mga mangangailangan ng payo partikular na ang mga apektadong manggagawa sa lugar.

Inihayag din ni Father Belandres ang pagkakaroon ng Medical Mission na pangungunahan ng Simbahan sa ika 20 hanggang ika – 22 ng Hulyo na bukas para sa lahat ng mga residente sa isla ng Boracay upang matiyak ang kalusugan ng bawat mamamayan.

Magugunitang ika – 26 ng Abril ng pormal na isinara sa Publiko ang Boracay para sa gagawing pagsasaayos at rehabilitasyon matapos makitaan ng paglabag sa batas pangkalikasan ang karamihan sa mga Establisimiyento sa isla.

Batay sa ensiklikal ni Pope Francis na Laudato Si mahalagang pangalagaan ang kalikasan upang maiwasan ang pagkasira nito na labis makakaapekto sa mga susunod na Henerasyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 36,808 total reads

 36,808 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 87,265 total reads

 87,265 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 135,136 total reads

 135,136 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 239,084 total reads

 239,084 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 323,311 total reads

 323,311 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top